Trans bagong modelo ng Victoria’s Secret

Pinakilala na ng Victoria’s Secret ang kanilang kauna-unahang transgender model na si Valentina Sampaio. Ang naturang Brazilian model ay pinakilala na nila sa pamamagitan ng behind-the-scenes photos at a shoot para sa lingerie brand na Pink line.

trans bagong modelo ng victorias secret - Trans bagong modelo ng Victoria’s Secret
ABANTE Valentina - Trans bagong modelo ng Victoria’s Secret

Pinakilala na ng Victoria’s Secret ang kanilang kauna-unahang transgender model na si Valentina Sampaio. Ang naturang Brazilian model ay pinakilala na nila sa pamamagitan ng behind-the-scenes photos at a shoot para sa lingerie brand na Pink line.

Sa kanyang Instragram account, pinost ni Valentina ang isang video at nilagyan niya ng caption na “Never stop dreaming genteee.”

Ayaw i-reveal ni Valentina ang tunay niyang pangalan noong lalaki pa ito na lumaki sa isang small fishing village called Aquiraz in northern Brazil.

Nadiskubre si Valentina ng isang makeup artist at agad itong kinontrata ng isang mode­ling agency in Sao Paolo.

Pagkatapos ng ilang modeling stints, ngayon ay brand ambassador na si Valentina ng L’Oreal Paris.

Ayon sa Chief Marketing Officer ng VS na si Ed Razek, binawi na nito ang sinabi niya last year tungkol sa pagkakaroon ng trans model sa VS Fashion Show.

“Shouldn’t you have transsexuals in the show? No. No, I don’t think we should. Well, why not? Because the show is a fantasy,” sey ni Razek. (Ruel Mendo­za)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *