‘Trabahanap’ ng CineMo nilunsad na bilang job search website

Mas magiging madali na ang paghahanap ng trabaho para sa mara­ming Pilipino, dahil simula nga­yong Mayo 1 (Miyerkoles), ang classified ads on TV sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus ay matatagpuan na sa Trabahanap.com website.

The post ‘Trabahanap’ ng CineMo nilunsad na bilang job search website appeared first on Abante News Online.

trabahanap ng cinemo nilunsad na bilang job search website - ‘Trabahanap’ ng CineMo nilunsad na bilang job search website
ABANTE trabahanap cinemo - ‘Trabahanap’ ng CineMo nilunsad na bilang job search website

Mas magiging madali na ang paghahanap ng trabaho para sa mara­ming Pilipino, dahil simula nga­yong Mayo 1 (Miyerkoles), ang classified ads on TV sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus ay matatagpuan na sa Trabahanap.com website.

Gamit ang Trabahanap.com, magiging mabilis ang paghahanap at pag-a-apply ng trabaho mula sa job listings ng ilang tampok na pribadong kompanya.

Ayon kay ABS-CBN TVplus CineMo channel head Mark Awiten, layunin ng “TrabaHanap” website na magsilbing tulay sa magandang kinabukasan ng mga Pilipino ang bagong job portal.

“Hangad ng CineMo na ang bawat manonood ay may hanapbuhay para maitaguyod ang kanilang pamilya,” ani Awiten.

Unang ipinakilala ang “TrabaHanap” noong 2017 kung saan ipinapalabas sa closing credits ng bawa’t pelikula na umere sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus ang job listings mula sa DOLE website. Bukod dito, pinapakita rin sa CineMo ang ilang tips sa paghahanap ng trabaho.

Isa sa maraming CineMo viewers na nakahanap ng hanapbuhay dahil sa “TrabaHanap” si Regie Alano. Ayon kay Regie, malaking bagay ang “TrabaHanap” ng Ci­neMo dahil napagtapos niya ang kanyang nakababatang kapatid.

“Mas naging madali ang paghahanap ko ng trabaho dahil sa CineMo,” kuwento ni Regie.

The post ‘Trabahanap’ ng CineMo nilunsad na bilang job search website appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *