Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fan

Ang hindi kaya ng iba, kayang-kaya ni Alessandra de Rossi.

The post Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

topless photo ni alessandra pinalakpakan ng mga fan - Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fan
Alessandra De Rossi - Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fan

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fanAng hindi kaya ng iba, kayang-kaya ni Alessandra de Rossi.

Noon pa man, ibang-iba na talaga si Alessandra. Hindi siya ‘yung tipo ng artista na sasabay lang sa agos. Na kung ano ang uso, ‘yun din ang gagawin niya.

Si Alessandra, effortless ang pagiging iba niya. Kung ano ang nararamdaman niya, ginagawa niya.

Tulad nga nu’ng takot ng ibang aktres na magpakalbo, aba, maning-mani lang ‘yon kay Alessandra, ha!

At nitong nakalipas na mga araw nga, sangkatu­tak ang mga babaeng nagpasilip ng kanilang mga alindog. Ang iba, ipinarada talaga ang mga bago nilang swimsuit, para mas maging katakam-takam sa iba, o mas makaagaw talaga ng atensiyon sa mga netizen.

Ginawang venue ang Instagram para maiparada nila ang kanilang kaseksihan. Ginawang daan ang pagbi-beach para makapag-pose ng seksi, suot ang kapirasong tela sa kanilang katawan.

At taliwas ‘yan sa ginawa ni Alessandra, ha! Kung ang iba ay nag-display ng kanilang mga makukulay na swimsuit, si Alessandra, naghubad talaga, at panty lang ang itinira, ha!

At ang kuha niya, hindi basta-basta, dahil si Andrei Suleik ang photographer niya, ha!

At kahit may dagat sa paligid nila, hindi sila roon nagpakuha. Sa loob mismo ng bahay, o resort o cottage sila nag-pictorial.

Ay, ang drama ng da­ting. Hindi basta-basta naghubad. Hindi basta-basta nagpasilip lang ng katawan. Ang arte-arte. Punong-puno ng art.

“Lahat nalang nag-beach sa sobrang init! Teka! Handa ako! #andreishotthe@andreisuleik,” caption ni Alessandra.

Well, kaya ang mga fan, lokang-loka. Parang natabunan nga ang lahat ng mga nagsipag-post ng kanilang kaseksihan sa Instagram.

Heto nga ang sabi ng mga fan:

carmenriquez22 “msderossi ang ganda naman mga photo post nyo…parang naka-frame pic lang….love it….sophisticated look ang pretty pa…stay as u r….more bless…”

mjsuayan: “Payapa ka dito.”

kiraholic: “Ay! Fi­nished na! May nanalo na.”

crzaaaaaa: “Sarap ng ganyan wala kang ibang iniisip at wala kang pake sa sasabihin ng iba ilove­you msderossi.”

romeskie03: “One of the best actress in the Philippines.”

nonaestheticwoman: “You’re so beautiful. Not just pretty, but beautiful.”

airborne_1214 “Now that’s art.”

skye.hawke: “@ermatsko pangarap ko pa sana maging portrait photographer, hindi pala pwede….hindi ko kaya mag focus sa mga ganun pose.”

larraisondetre: “effortless, sobrang ganda.”

regine_casa_dava: “Why sooo beautiful wo­man poh…ms.de rossi.”

Aliw naman kami sa komento at sagutan ng isang netizen at ng nanay mismo ni Alessandra, sa isang photo na white naman ang suot ng mahusay na aktres.

noringai: “Bakit parang picture ng bride na inaayusan bago ang kasal? Tapos yung isang picture Kanina — pang honeymoon.”

Sagot ng nanay ni Alessandra: “@noringai may nangyari na daw kaya ikakasal.”

Hirit ni noringai: “@ermatsko I doubt po! Da­lagang Pilipina siya. Conservative ang magulang!”

Sagot ulit ni ermatsko: “@noringai buti alam mo!”
Aliw, ‘di ba?

The post Topless photo ni Alessandra pinalakpakan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *