Tony ‘pinaelya’ mga beki

Hindi maawat-awat sa pagpapatakam si Tony Labrusca sa kanyang mga fan na uhaw sa kamunduhan. Kiniliti na naman ng hunk actor ang pagnanasa ng mga fan sa topless photo niya.

The post Tony ‘pinaelya’ mga beki first appeared on Abante.

tony pinaelya mga beki - Tony ‘pinaelya’ mga beki
Tony 1 - Tony ‘pinaelya’ mga beki

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Tony ‘pinaelya’ mga bekiHindi maawat-awat sa pagpapatakam si Tony Labrusca sa kanyang mga fan na uhaw sa kamunduhan. Kiniliti na naman ng hunk actor ang pagnanasa ng mga fan sa topless photo niya.

Dalawang larawan ang pinaskil ng aktor habang nasa farm. Sa larawan ay nakatali sa beywang niya ang hinubad na pantaas sa jumpsuit na suot nito.

Masarap at nakakauhaw sa paningin ng kanyang mga beki fan ang pagkakalantad ng magandang pangangatawan nito.

Sinamahan pa ng pagsusuot niya ng cowboy hat na lalong nagpanginig sa kaelyahan ng kanyang mga tagahanga.

***

Faceshield kagaguhan — Kris Lawrence

Kagaguhan para sa R&B singer na si Kris Lawrence ang bagong balita tungkol sa pampublikong transportation. Nag-tweet ng kanyang reaction si Kris, mula sa ni-retweet nitong news advice at komento rin ng ibang netizen na tutol sa bagong direktaba ng gobyerno tungkol sa sukat para sa social distancing.

“Stupidest thing ever. Even faceshields. They don’t want us to breathe anymore,” sabi niya sa mga ipinatutupad na patakaran ngayon.

***

P22M ibinigay sa mga gutom na film worker

Umaabot sa P28M ang ibinigay na ayuda ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) sa limang libong entertainment worker na nawalan ng trabaho ngayon pandemic.

Ito ay ang binuo nilang DEAR PROGRAM nung panahon ng lockdown.

Ayon sa FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra, ang dapat sana ay P22M na budget para sa year-long event ng Sine Sandaan ay inilaan na lang sa pagbibigay ng ayuda sa mga nagugutom na film at entertainment worker.

Bumaklas din ng P6M si Chair Liza mula sa dapat sana ay gagamiting pondo para sa iba’t ibang international festivals at market, para dagdagan pa ang ipinamigay na ayuda na nagkakahalaga ng P5K hanggang P8K.

Humihingi ng additional budget si Chair Liza ng P50M sa gobyerno para sa financial assistance sa mga manggawa pero isinama ang halagang ito sa pool funds ng Bayanihan Act.

May pag-asang mabibigyan pa ng ayuda ang iba pang mga entertainment worker kapag napagbigyan ang FDCP sa hiling nito sa DOLE.

Samantala, sa pagtatapos ng Sine Sandaan: Next 100 Years isang musical show ang mapapanood online sa Sept. 30 na tatampukan nina Lea Salonga, Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary Valenciano at marami pang iba.

***

Walang career: Mika balik eskuwela

Balik eskuwela na ang Kapuso star na si Mika dela Cruz sa pagbubukas ng klase via online. Ibinahagi ni Mika ang pag-aaral niya sa kursong BS Psychology sa Southville International School.

Kabilang si Mika sa ilang mga artistang binalikan ang pag-aaral habang limitado o wala munang raket sa showbiz.

“Tapos na mga errands at chores ko for today kaya schoolgirl duties muna ako. Is it weird that studying is my escape? It brings me to a whole new world…and calms me. @southville_is #BSPsychology #VIVASikolohiya,” sabi ni Mika.

Siyempre, proud sa kanya ang sister niyang si Angelika dela Cruz.

***

Vina nagtitinda ng tuyo

Sumawsaw na rin sa trend ng pagbebenta online si Vina Morales.

Pinu-promote ni Vina ang kanyang ginawang produkto, ang spicy at non-spicy gourmet tuyo.

Pinoste ni Vina sa kanyang Instagram ang sample ng tuyo at may label na “Indaybeena”.

Mayaman naman at may trabaho sa Net25 si Vina bilang hurado sa isang talent show roon, kaya palaisipan kung bakit nagbebenta ito ng gourmet tuyo.

Sinabi rin naman nito sa mga nauna niyang post, lalo na noong kasagsagan ng isyu sa ABS-CBN na may sapat siyang ipon. Pero siguro nga ay gusto lang ibida ni Vina ang kakayahan niya sa pagluluto.

Nakalagay naman sa caption na mahilig siyang magluto. At may cooking vlog nga siya.

The post Tony ‘pinaelya’ mga beki first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *