Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JC

Nag-sorry si Tony Labrusca sa sa kanyang mga tagahanga dahil sa pag-delete niya ng bagong vlog.

The post Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JC first appeared on Abante.

tony di masikmura romansa kay jc - Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JC
abante LABRUSCA - Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JC

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JCNag-sorry si Tony Labrusca sa sa kanyang mga tagahanga dahil sa pag-delete niya ng bagong vlog. May kinalaman sa mga fan at sa co-star niya sa nagwakas na BL series na “Hello Stranger” na si JC Alcantara.

“Sorry i deleted my latest vlog, i didn’t mean to offend anyone. I genuinely care for JC and only want the best for him. Right now this is how i feel, but who knows. I’m not a fortune teller and no one can dictate the future. Those things take time, love is love,” tweet ng aktor.

Wala sa mensahe ang paliwanag ni Tony sa nilalaman ng kanyang vlog at marami sa mga fan niya ang hindi nakapanood sa vlog. Pero base sa mga comment ng ibang fan, sinabi raw ni Tony sa video na hanggang “friendship” lang ang kaya niyang ibigay kay JC.

May nakapaloob pa ritong pakiusap na huwag silang pilitin ni JC ng mga fan na magkaroon ng romansa. Minasama ito ng ibang fan nila ni JC.

@chadwreck: “Hi Tony. I watched it when you premiered the vlog and i don’t think may masama kang sinabi about kay JC. I can honestly tell that you truly and deeply care about JC. And this is just an ‘assumptions’ from ‘other’ people. Because like what you said “it is what it is”. Take care.”

@TwistedWigz, “I watched it. I loved it. Tony I hate to quote what you said “No matter what you say or do there will always be people who love you and hate you”. Stay genuine! Don’t let anyone change that! Those that mayter, don’t care. And those that do care, don’t matter.”

Nagkaroon ng ilusyon ang ibang mga fan na magkakatuluyan sa tunay na buhay sina Tony at JC. Hindi na kaya ni Tony na sikmurain pa ang mga mensahe ng mga fan na pilit silang nili-link ni JC.

Ylona proud waitress sa Australia

Para maging abala habang wala pang ginagawa sa kanyang singing career, pumasok muna ang Kapamilya star na si Ylona Garcia bilang crew ng isang fastfood sa sa Australia.

Hindi ikinahiya, bagkus ibinahagi pa ni Ylona ang larawan niya na naka-uniform. Unang pinoste ni Ylona ang selfie photo suot ang uniform noong August 31.

Sa mga kasunod na photo na pinost niya ay ibinahagi niya ang karanasan nang mapaso siya sa pagluluto ng french fries.

Koleksiyon ni Chito nakamamatay

Buti na lang at hindi public official si Chito Miranda. Kung nagkataong may puwesto ito sa gobyerno, baka nabalatan na ito sa isyu ng pagtatago ng mga deadly weapon.

Maraming beses na ngang ibinahagi ni Chito sa Instagram ang pangongolekta niya ng mga deadly weapon gaya ng kutsilyo, itak, bolo at mga baril.

Mula sa rifle hanggang sa hand gun na nagkakahalaga nang higit sa P100K ay meron ang singer.

Ipinuposte pa niya ito sa kanyang IG kalakip ang detalye ng mga naturang armas. Mahilig din si Chito sa mga military gadget.

Sa isang post, sinabi ni Chito na hindi rin niya mawari kung bakit mahilig syang mangolekta ng baril.

Anyways, lagi namang sinabi ni Chito na hindi niya inilalako ang mga deadly weapon at ‘yun ay personal collections lamang niya. At wala rin siyang balak gamitin ito para makapanakit ng tao.

Pero sigurado kapag nakalagay sa panganib ang buhay niya at ang kanyang pamilya ay hindi ito mag-aatubiling gamiting depensa ang mga baril, kutsilyo at itak.

The post Tony ‘di masikmura ‘romansa’ kay JC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *