Toni Gonzaga nagpatutsada kay Lolit

Kapag mayroong nambu-bully sa kapatid, palaging to the rescue ang kanyang mga sibling.

toni gonzaga nagpatutsada kay lolit - Toni Gonzaga nagpatutsada kay Lolit
toni 3 - Toni Gonzaga nagpatutsada kay Lolit

Kapag mayroong nambu-bully sa kapatid, palaging to the rescue ang kanyang mga sibling.

Ganoon nga ang nangyari sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga matapos sumagot kamakailan ang huli sa beteranang entertainment writer na si Manay Lolit Solis sa pang-iintriga nito.

Pagdating ng umaga, biglang may patutsada na sa Instagram story si Toni na palagay ng mga fan ay may kinalaman sa naging tsismis ni Manay Lolit sa Instagram nito tungkol sa kapatid.

Ayon kasi sa ipinost ni Manay Lolit, may source raw siya na mga taga-GMA at ABS-CBN kung saan papunta ito sa Mindanao, at nagkasabay ang mga ito sa airport.

Tapos, lumapit daw sina Rita Daniela at Ken Chan kay Alex at nag-ala fangirl and fanboy mode umano, nagpakilala sabay sinabing masugid na manonood sila ng vlog nito, at ayon nga sa kuwento ni ‘Nay Lolit ay tumango at dedma lamang si Alex.

Agad namang dinepensahan ni Alex ang sarili para linawin ang tunay na nangyari nang magkatagpo sila ng mga nabanggit na Kapuso star.

To the rescue rin si Toni at may patutsada nga sa Instagram story nito. “People who know you the least will always have the most to say about you. Remember that,” words of wisdom galing dito na tila may kinalaman nga sa naturang isyu.

Ni-repost naman ito ni Alex at sinabing, “Hayaan mo na. You know the truth! Love you!” (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *