Toni dedma sa ABS-CBN Ball

Mukhang enjoy si Toni Gonzaga sa short course na kinukuha niya ngayon sa Harvard University sa Boston.

toni dedma sa abs cbn ball - Toni dedma sa ABS-CBN Ball
toni 1 - Toni dedma sa ABS-CBN Ball

Jun Lalin Anything Goes 7 336x224 - Toni dedma sa ABS-CBN BallMukhang enjoy si Toni Gonzaga sa short course na kinukuha niya ngayon sa Harvard University sa Boston.

Hindi kasi solo roon si Toni.

Classmates niya sina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho at ang former writer ng “ASAP” na si Garlic Garcia (she’s known to be close friend sa mga celebrity like Karen Davila, Cristalle Belo and a lot more).

So, masaya dahil may mga kasama nga siya sa class na kilala niya.

Kasama rin niya ang mag-ama niya, sina Direk Paul Soriano at Seve.

Ang pag-aaral sa nasabing Ivy League school ang dahilan kung bakit hindi makaka-attend bukas sa ABS-CBN Ball 2019 si Toni.

From Boston, pupunta pa raw si Toni kasama ang kanyang mag-ama sa New York City.

Speaking of ABS-CBN Ball 2019, marami sa stars na a-attend doon ang “nagpasilip” na ng kanilang susuotin na modern Filipiniana, pero ang iba, secret pa raw ang outfit.

Kabugan din kasi sa outfit ang mga ganoong event, kaya naman marami sa stars, inililihim kung ano ang kanilang isusuot at manggugulat na lang sila sa mismong event.

Mr. & Ms. Chinatown walang inggitan

Last Wednesday ay nag-guest sa “Anything Goes” online show ko sa Abante News Online Facebook page ang winners ng Mr. & Ms Chinatown 2019 na sina Jonathan Chantong and Nina Tay Lee (winners), 1st runners-ups Jeremiah Tomas and Philene Fenix Yeung and 2nd runners-ups Stephen Lim and Maria Lorraine Cho.

Ang sayang kasiyahan ng anim.

Bale working na ang apat: Sina Jonathan, Nina, Philene at Stephen.

Sina Jeremiah at Maria Lorraine naman ay nag-aaaral pa.

Sabi ng anim, wala raw intrigahan sa batch nila.

Bale three months daw silang nagkasama sa nasabing contest at naging sobrang close.

Marami sa kanila ang gustong mag-artista kung sakaling papalarin daw.

On Sunday nga pala, ipapalabas sa ABS-CBN ang coverage ng Mr. & Ms. Chinatown 2019 after GGV (“Gandang Gabi Vice”).

Ramirez tumodo sa kalandian

Ngayon ang start ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, of course excited ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde dahil official entry ang “Cuddle Weather” nila starring Sue Ramirez at RK Bagatsing.

Type kong panoorin ang pelikula dahil maganda ang feedback dito ng mga nakapanood na.

Type na type nila ang kapokpokan sa pelikula ni Sue.

“She’s so good. Bigay na bigay. Hindi mo kakakitaan na may hesitation siya sa ginagawa niya sa mga eksena niya sa pelikula,” puri ng isang nakapanood na ng “Cuddle Weather”.

Ay, ang bongga ng kalandian ni Sue, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *