Toni, Alex nag-away sa harap ni Seve

Hindi puwedeng mag-away ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, dahil ang labis na maapektuhan ay ang bagets na si Severino Elliot o Seve, na anak ni Toni.

toni alex nag away sa harap ni seve - Toni, Alex nag-away sa harap ni Seve
abante gonzaga 3 - Toni, Alex nag-away sa harap ni Seve

Hindi puwedeng mag-away ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, dahil ang labis na maapektuhan ay ang bagets na si Severino Elliot o Seve, na anak ni Toni.

Nag-throwback video post si Alex sa kanyang Instagram ng biruan nila ni Toni habang nasa gilid lang ng sofa ang bata at naglalaro ng video, at umarte na parang naga-away ang dalawa.

Itinulak ni Toni si Alex, at si Alex naman ay sinalya ang kapatid. Nang makita ng bata ang nangyayaring gulo sa dalawa, bigla itong nagtitili at nagtatalon.

Galit ang bata sa nakikita niyang bakbakan ng dalawa. Ayaw ni Seve na nakikita niyang naga-away ang ina at ang kanyang tiyahin.

Sinasabi ni Seve na “not fighting!” “not fighting”!.

Natawa si Alex sa reaksyon ng pamangkin. Niyakap naman agad ni Toni ang anak at saka nagsabi ng “sorry”.

Two years ago kinunan ang video, at gusto lang magbalik-tanaw ni Alex sa mga kinaaliwan niyang panga-asar sa pamangkin.

Miss na miss na nga ni Alex ang pamangkin na hindi niya nakakasamangayon dahil sa COVID-19. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *