Tom tinabla sa ‘Maranagat Festival’

Bigong makasali sa rap singing contest sa Catbalogan, Samar si Tom Rodriguez para sa Manaragat Festival. Meron na ngang hinandang rap music si Tom pero hindi siya qualified dahil bagsak siya sa residency requirements.

tom tinabla sa maranagat festival - Tom tinabla sa ‘Maranagat Festival’
Tom Rodriguez - Tom tinabla sa ‘Maranagat Festival’

Rey pumalopy 3 300x200 - Tom tinabla sa ‘Maranagat Festival’Bigong makasali sa rap singing contest sa Catbalogan, Samar si Tom Rodriguez para sa Manaragat Festival. Meron na ngang hinandang rap music si Tom pero hindi siya qualified dahil bagsak siya sa residency requirements.

Para hindi masayang ang rap song ni Tom, ibinahagi na lang nya ito at kinanta sa Instagram.

Aliw na aliw ang mga follower niya sa matatas at mahusay na pagkanta, pagra-rap ni Tom sa waray dialect.

“Diri La Waray Mahimo” ang title ng rap piece na kakantahin at isasali sana ni Tom.

Pinarinig ni Tom sa mga fan ang kanta bilang pakikiisa at suporta sa tinawag niyang socially distanced festival celebrations.

Heart ibinibenta ang Sorsogon

Pinasalamatan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa tweet ang asawang si Heart Evangelista sa effort nitong i-promote ang kagandahan, at mga produkto ng kanilang lalawigan sa lahat ng social media platform ng huli.

“Thank you @heart021485 for using your platform to show the beauty of Sorsogon…the improvements, the scenery, the products and, most importantly, the people…” sey ni Chiz.

Mula nang bumisita si Heart sa Sorsogon matapos ang ECQ, halos maya’t maya ay nagpu-poste ito sa kanyang Instagram ng iba’t ibang tourist destination sa Sorsogon.

Ipinagmalaki rin ni Heart ang mga pagkain at mga hand crafted products ng lalawigan na nakatakdang ilunsad sa kanyang website.

“Napansin ako ng crush ko sa Twitter,” reaksiyon ni Heart sa tweet ni Chiz.

Mga artista dismayado sa ‘Rizal’

Dismayado sa palakad o sistema ng gobyerno ang ilang mga artista dahil na rin sa sitwasyon sa Rizal Stadium, na napuno ng mga taong stranded.

Agad na naglabas ng kanilang saloobin ang mga celebrity.

“Haaay!! Baka kasalanan na naman ng tao yan…tutal lagi naman ganon “script”. Pasaway blah blah! So, sino dito dapat sisihin? Ayaw-mag rally pero ganyan? Kenat!” sabi ni K Brosas.

“Nakakapanghina at nakakapanlumo. Parang awa nyo na, aksyunan na agad ito!” sabi ni Direk Perci Intalan.

“Hinuli mga tao na “hindi daw” sumusunod sa quarantine protocols. (Pero hindi hinuli yung mga nasa posisyon na lumabag kasi daw VIP) Tapos ‘di raw alarming yung dumadami na cases. Tapos eto…hayyy, Gaguhan 2020,” sambit naman ni Kean Cipriano.

Anak nina Juday, Ryan mukhang gagamba

Para maipakita ang pagiging malakas, bilis at kakayahan ni Lucho sa paglalambitin at palipat-lipat habang nakakapit, ginawang poste ni Ryan Agoncillo ang mga kaibigang sina Dominic Roque at Anthony Roque.

Mapapanood ang video sa kanyang Instagram na naka-extend sa isa’t isa ang mga braso ng dalawa habang nakatayo. Tumalon ang anak nina Ryan at Judy Ann Santos sa isang lalaki at nagpalipat-lipat habang nakakakapit.

Game naman ang magkapatid sa ginagawa ni Lucho na animo’y batang Spiderman o gagamba na hindi nalalaglag sa ginagawa nito.

Ruru nasagad sa kanegahan ng mga Pinoy

Napuno na si Ruru Madrid sa mga nababasa at nararanasan niyang samut-saring negative sa social media. Dismayado si Ruru sa ilang mga Pinoy na walang malasakit sa kapwa, na humihila raw pababa sa mga kalahi nito.

“I don’t know what’s wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung mga nagda-down sa atin. Sana wala ng ganun. Sana sinusuportahan na lang natin ang isa’t isa,” saad ni Ruru.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *