Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’

Matapos naming iere sa aming DZMM program na “Chismax” last Sunday ang ipinaabot na reaksyon ng kampo ni Moira dela Torre hinggil sa aming naisulat dito, nakatanggap din kami ng text message mula kay Ms. Lani Gutierrez, Production Manager ng “Idol Philippines.”

The post Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’ appeared first on Abante News Online.

todo depensa moira hindi raw nag inarte sa idol ph - Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’
Abante 2019 Moira - Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’Matapos naming iere sa aming DZMM program na “Chismax” last Sunday ang ipinaabot na reaksyon ng kampo ni Moira dela Torre hinggil sa aming naisulat dito, nakatanggap din kami ng text message mula kay Ms. Lani Gutierrez, Production Manager ng “Idol Philippines.”

Pinabulaanan ni Ms. Lani ang umano’y pagiging demanding ni Moira sa first batch ng taping ng naturang soon to air show at sinabi pa nitong kahit masama ang pakiramdam ng singer-composer ay “very nice” ito to everyone.

“Not true Ambet. Never siyang nag-demand ng sari­ling dressing room.
Magkasama sila ni Regine sa dressing room sa buong audition taping,” bahagi pa ng klaripikasyon ni Ms. Lani.

Sila raw ng executive producer nilang si Allan ang nagku-coordinate kay Moira.

Agad din naming binalikan ang aming source upang sabihin dito ang panig ng “Idol Philippines” executives pero nais daw niyang manindigan sa naibahagi niyang kuwento sa amin.

Well, sadyang kontrobersyal si Moira pagdating sa mga naturang kaganapan. Nandiyan pa rin ang naging mapait na karanasan ng mga Bicolano sa kanya nu’ng minsan siyang mag-demand ng “bago at mabangong hotel” ayon mismo sa LGU officials ng isang bayan na kanyang dinayo last year. Nandiyan pa ‘yung kontrobersiya sa Ilocos Norte plus ‘yung bashing na inabot niya sa isang gig niya sa may Eastwood, Libis dahil pa rin sa umano’y kakaiba nitong “trip” kapag nabibigyan ng sobrang pa­puri.

Well, as we said, parehas tayo sa mga bagay-bagay. Kayo na po ang bahalang mag-decipher lalo’t higit ‘yung merong mga naranasan o na-witness na.
But at the end of day po, dapat na merong natututo sa mga ganitong tsika. This is not just about writing an item to give someone a pat on her/his back, but to remind her/him that in this industry, more so in life, what matters most is your being true and just to e­verybody!

The post Todo depensa: Moira hindi raw nag-inarte sa ‘Idol PH’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *