TNT Boys inspirasyon ng mga bata

Magbibigay-inspirasyon sa maraming Pilipino ang bagong Bantay Bata 163 theme song na “Bawat Isa ay Bata” dahil inilunsad na ng ABS-CBN official music video nito na tampok ang young standout singing group na TNT Boys.

tnt boys inspirasyon ng mga bata - TNT Boys inspirasyon ng mga bata
ABANTE TNT Boys - TNT Boys inspirasyon ng mga bata

Magbibigay-inspirasyon sa maraming Pilipino ang bagong Bantay Bata 163 theme song na “Bawat Isa ay Bata” dahil inilunsad na ng ABS-CBN official music video nito na tampok ang young standout singing group na TNT Boys.

Unang napanood ang music video sa Sunday variety show na “ASAP” noong Linggo, September 8, matapos ang live performance ng trio nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion.

Tampok ang mga batang singer na nakipaglaro sa mga bata ng Bantay Bata 163 Children’s Village.

“Bawat Isa ay Bata” ay isang paalala sa mga Pilipino na tulad ng mga bata, maaari tayong mangarap para sa mas ligtas na mundo para sa lahat.

Idinirehe ito ni Paolo Ramos at Lorenz Morales gamit ang maliwanag na mga kulay para ipahatid ang mensahe ng pag-asa sa magandang kinabukasan.

Sinulat ni Mark Raywin Tome ang lyrics ng awit at linikha naman nina Lloyd Oliver Corpus at Jungee Marcelo ang musika nito.

Unang inawit ng TNT Boys ang “Bawat Isa ay Bata” sa kanilang “The Big Shot” concert noong 2018. Mapapanood na ang music video nito sa YouTube.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *