Titser sa Mindoro biniyayaan ng laptop ng ‘Grateful Tuesdays’

Pabongga nang pabongga ang mga bisita sa show ni Chemist Pinky Tobiano na Grateful Tuesdays.

The post Titser sa Mindoro biniyayaan ng laptop ng ‘Grateful Tuesdays’ first appeared on Abante.

titser sa mindoro biniyayaan ng laptop ng grateful tuesdays - Titser sa Mindoro biniyayaan ng laptop ng ‘Grateful Tuesdays’
tobiano - Titser sa Mindoro biniyayaan ng laptop ng ‘Grateful Tuesdays’

Pabongga nang pabongga ang mga bisita sa show ni Chemist Pinky Tobiano na Grateful Tuesdays.

Aba, bukod sa co-host niyang si Yeng Constantino, nag-perform din sina Jay-R, at nakipagkwentuhan pa ito. Bigla namang umeksena ang Queen of Hugot Songs na si Moira dela Torre, kaya lalong sumaya ang chikahan.

At bonga rin dahil bumisita rin si Rep. Alfred Vargas upang ibahagi ang mga proyekto niya sa kanyang distrito. Nakapanayam din ni Tobiano ang magkapatid na sina Congresswoman Bernadette Herrera-Dy at Councilor Bernard Herrera na naging katuwang na ng programa noong unang episode pa lang.

At siyempre, nagpaulan ng biyaya si Chemist Pinky. Sa episode nga nitong Oct. 20 ay umabot sa mahigit 500 pamilya ang natutulungan nila.

Nabiyayaan din nila ang mga residenteng jeepney drivers ng Barangay Masambong. Bukod sa food packs, gift packs, sangkatutak na regalo pa ang natanggap nila.

Kasama rin sa pagbibigay saya at ayuda si Charming Lakwatsadora Charm Aranton.

At bongga talaga dahil nabiyayaan ng laptop ang bayaning guro mula sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro na si Teacher Jessa Zamonte. Marami ang na-inspire sa kuwento niya na umaakyat ng bundok para makapagturo.

“Hindi po ito para sa akin, para po ito sa mga mag-aaral nating katutubo na gustong makaranas ng teknolohiya, katuparan po ito ng mga pangarap nila,” sabi ni Teacher Jessa.

Ang Grateful Tuesday ay napapanood sa Cornerstone Entertainment FB Page, Chemist Pinky FB Page, Cornerstone YouTube Channel at CSTV Kumu Account. (DS)

The post Titser sa Mindoro biniyayaan ng laptop ng ‘Grateful Tuesdays’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *