Tili ni Vina sa mga pintasera: ‘Sexy pa rin ako’

“Eh ano ngayon kung wala akong abs?”

The post Tili ni Vina sa mga pintasera: ‘Sexy pa rin ako’ appeared first on Abante News Online.

tili ni vina sa mga pintasera sexy pa rin ako - Tili ni Vina sa mga pintasera: ‘Sexy pa rin ako’
Vina - Tili ni Vina sa mga pintasera: ‘Sexy pa rin ako’

“Eh ano ngayon kung wala akong abs?”

‘Yan ang palaban na sabi ni Vina Morales sa mga basher na nagsasabing tumaba na siya, hindi na siya seksi, at wala na siyang karapatang magpasilip ng kanyang alindog.

Unti-unti inilalabas na nga ng mga artista natin ang kanilang tunay na itsura. I mean, hindi na nila idinadaan sa pa-filter-filter, pa-makeup-makeup ang itsura nila, para hindi sila mapintasan.

Kumawala na sila sa image, na dapat ay perfect ang mga itsura nila. Na dapat ay maganda sila. Na wala silang karapatang makita na may kamot sa tiyan, sa puwet, o mataba sila, dahil mati-turn off ang mga fan nila.

Noon nga kasi, lahat ng klase ng pagtatago ng kapintasan sa katawan ng mga artista ay ginawa ng mga tao sa paligid nila, o mga taong nagpapatakbo ng mga career nila. Pero, iba na nga ang panahon ngayon.

Para sa mga artistang sina Ria Atayde, Iza Calzado, at heto nga, si Vina, tulad din sila ng mga ordinaryong tao, na may mga kapintasan, o kakulangan sa kanilang mga katawan.

Si Vina, aminadong nagkakalaman na, at wala na ang abs niya na nakilala sa kanya noon. Eh, ano naman ngayon, ‘di ba?

Kung tutuusin, ang seksi pa rin ni Vina. At karapatan niyang kainin ang lahat ng gusto niyang kainin, lalo na at nasa bakasyon siya ngayon.

Pero sabi nga ng mga fan niya, hindi siya dapat mag-sorry kung may mga taong hindi type ang itsura niya, o katawan niya.

“Sexy pa rin!” ang hirit nga ni Vina sa katawan niya kahit walang abs.

At totoo naman, dahil kahit itapat mo siya sa ibang mga babae ngayon, sa edad niya, katakam-takam pa rin talaga siya, at bongga pa rin ang alindog niya, ha! (D­ondon Sermino)

The post Tili ni Vina sa mga pintasera: ‘Sexy pa rin ako’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *