Thurman babagsak sa 6th round — Pacman manager

LAS VEGAS, Nevada — Naku, Dondon, ang saya-saya na sa MGM Grand noong Friday pa lang. Weigh in kasi nina Manny Pacquiao at Keith Thurman para sa boxing fight nila nga­yon (Saturday evening dito).

The post Thurman babagsak sa 6th round — Pacman manager appeared first on Abante News Online.

thurman babagsak sa 6th round pacman manager - Thurman babagsak sa 6th round — Pacman manager
abante Pacman - Thurman babagsak sa 6th round — Pacman manager

abante anything goes jun lalin 336x224 - Thurman babagsak sa 6th round — Pacman managerLAS VEGAS, Nevada — Naku, Dondon, ang saya-saya na sa MGM Grand noong Friday pa lang. Weigh in kasi nina Manny Pacquiao at Keith Thurman para sa boxing fight nila nga­yon (Saturday evening dito).

Nagpunta nga ako sa MGM Grand noong Friday at napakaraming mga Pinoy na nandito.

Habang nagre-report ako nang live sa Abante News Online page sa Facebook, nakita ko ang manager ni Manny na si Arnold Vegafria.

Kadarating lang niya at nagkita na nga raw sila ni Manny.

Ang hula ni Arnold, mana-knockout ni Manny si Keith sa 5th or 6th round.
Eh, liyamado naman kasi si Manny at inaasahang mananalo sa boxing fight nila ni Keith.

Nakita ko rin habang naka-live ako si Diego, ang comedian ng GMA-7 na napapanood sa “Bubble Gang.”

Biniro ko si Diego na kung kailan ang ABS-CBN na ang may hawak ng TV rights para sa boxing fight ngayon ni Manny ay saka siya magsu-support. Hahaha!
Anyway, magla-live ulit ako today pra sa Abante News Online para sa before and after ng boxing fight.

Between 10:00AM to 12:00NN sa atin ang boxing fight at depende kung gaano magtatagal ang undercard fights bago ‘yung kina Pacquiao at Thurman.

***
Mga NBA player dadagsa­ sa Manny, Keith fight

Kahapon din ay kasama ko sina Ruffa at Elvis Gutierrez sa MGM Grand.

Habang nasa Wolfgang Puck Bar & Grill kami, biglang dumaan ang boxer na si Adrien Broner na tinalo ni Manny noong January.

Na-excite si Elvis at hinabol ko naman para makapag-interview, pero ang bilis maglakad, huh!

Anyway, may nagsabi kay Ruffa na maraming NBA players na manonood ng boxing fight ngayon at sobrang na-excite na naman si Elvis dahil ang hilig niyang manood ng NBA games.

***
Mga politiko atras sa boksing dahil sa SONA

Nakita ng kaibigan ko sa MGM ang misis ni former Senator­ Jinggoy Estrada, si Precy. Kasama raw ni Precy ang mga anak niya.

Nakita rin niya si Narvacan Mayor Chavit Singson, pati si PBA Legend Robert Jaworski.

Nasa boxing fight din ngayon si Navotas Mayor Toby Tiangco para sumuporta kay Manny.

Medyo bawas ang politicians ngayon na magsu-support sa ating Pambansang Kamao dahil naghahanda sila sa SONA ni President Rodrigo Duterte.

The post Thurman babagsak sa 6th round — Pacman manager appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *