Thia Thomalla dedma sa panlalait ng mga fan ni Alden

Hindi naman daw mahirap para sa beauty queen-turned-Kapuso actress na si Thia Thomalla ang adjustment from doing pageants to doing TV shows.

thia thomalla dedma sa panlalait ng mga fan ni alden - Thia Thomalla dedma sa panlalait ng mga fan ni Alden
thia - Thia Thomalla dedma sa panlalait ng mga fan ni Alden

Hindi naman daw mahirap para sa beauty queen-turned-Kapuso actress na si Thia Thomalla ang adjustment from doing pageants to doing TV shows.

Bago raw siya na-cast sa teleserye ni Alden Richards, may ilang TV guestings na siya at isa siya sa host ng makeover show na “Glow-Up” with Michelle Dee and Winwyn Marquez.

“I started sa pageants when I was sixteen so basically nasa system ko na ang maging beauty queen. Sa acting naman, I think, minsan medyo awkward.

“I’m trying to find a word that best describes what I’m trying to say… you need to pull out your emotions to express that emotion? Hindi naman siya awkward but more of kaba. Like ‘Tama ba ’to?’

“Sabi nga nila, I can use the emotion I felt when my brother passed away… pero at the end of the day, I want to respect my grieving.

“I don’t want to pull out from that as of now kasi I don’t know if I’ll be able to stop. Baka iyak ako nang iyak.

“And ’yung acting mentor namin, she always reminds us to respect ourselves and be aware kung saan ka kumukuha ng emotions mo.”

Hindi raw siya nakasama sa worshop nila.

“Hindi po ako nakapag-workshop with Alden and the other cast. Kaya ‘yung scenes ko with them, doon ko lang sila talaga unang makakasama.

“It’s okay naman po kasi even if we’re not that familiar pa with one another, we all try to make it work. Doon na magkakaroon ng team chemistry. And it’s working sa amin lahat sa set.”

Nakuwento rin ni Thia na hindi raw niya dream ang maging isang beauty queen dahil dream daw ito ng kanyang mother.

Tungkol naman sa bashing on social media, hindi naman daw binibigyan ni Thia ng panahon ang mga ito.

“I came from the pageant world and you can only imagine how vicious bashing and hating is sa mundong iyon.

“Before, I was affected but later on, naisip ko po, bakit ko sila papansinin? They don’t know me and I don’t know them as well. Kaya I don’t have to explain anything to them.

“I’m here to work on our teleserye and to have a professional relationship with my co-stars on the set.

“So far, things are okay and kung may mang-bash man sa atin, well that’s their style. Basta ako po, work, work, work.” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *