‘The Big Bang Theory’ pinatumba ang ‘Game of Thrones’

Sa nagdaang week kung saan nagtapos sa ere ang ilang US shows, nag-top sa ratings ang final episode ng “The Big Bang Theory.”

The post ‘The Big Bang Theory’ pinatumba ang ‘Game of Thrones’ appeared first on Abante News Online.

the big bang theory pinatumba ang game of thrones - ‘The Big Bang Theory’ pinatumba ang ‘Game of Thrones’
The Big Bang Theory - ‘The Big Bang Theory’ pinatumba ang ‘Game of Thrones’

Sa nagdaang week kung saan nagtapos sa ere ang ilang US shows, nag-top sa ratings ang final episode ng “The Big Bang Theory.”

Ang tinaguriang number one American comedy show ay nakakuha ng 18.5 million live viewers sa naging back-to-back two episode finale nila noong nakaraang May 16.

Ito ang episodes kung saan nanalo ng Nobel Prize ang mag-asawang Sheldon Cooper (Jim Parsons) at Amy Farrah Fowler (Mayim Bialik), magkakaroon na ng baby sina Penny (Kaley Cuoco) at Leonard (Johnny Galecki), pinakita na ang anak nila Howard (Simon Helberg) at Bernadatte (Melissa Raunch) na sina Haley and Michael, naayos na ang elevator sa apartment at naging date ni Raj (Kunal Nayyar) ang bida ng “Buffy The Vampire Slayer” na si Sarah Michelle Gellar.

Pumangalawa lang ang #TheFinalEpisode ng HBO epic series na “Game of Thrones” na nagtapos noong May 19. Nakakuha ito ng 13.61 million live viewers.

Pumangatlo sa ra­tings game ang spinoff ng TBBT na Young Sheldon na nakakuha ng 13.6 million live viewers sa season 2 ender nila kung saan pinakita sa final shot ang mga batang Leonard, Penny, Amy, Sheldon, Bernadette, Raj and Howard.

Pang-apat naman ang CBS special na “Unraveling the Mystery: A Big Bang Farewell” with 11.6 million live viewers.

Pumasok naman sa Top 5 ang finale ng “American Idol season 2” kung saan nanalo si Laine Hardy. Nakakuha ito ng 8.7 million live viewers. (Ruel ­Mendoza)

The post ‘The Big Bang Theory’ pinatumba ang ‘Game of Thrones’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *