‘That’s Entertainment’ bubuhayin para kay Yorme Isko

Alam mo, Dondon, kung nabubuhay pa sana si German Moreno ay tiyak na matutuwa siya dahil magkakaroon ng reunion ang mga naging miyembro ng “That’s Entertainment” on October 5, a day after his birthday.

thats entertainment bubuhayin para kay yorme isko - ‘That’s Entertainment’ bubuhayin para kay Yorme Isko
thats entertainment 1 - ‘That’s Entertainment’ bubuhayin para kay Yorme Isko

Jun Lalin Anything Goes 11 336x224 - ‘That’s Entertainment’ bubuhayin para kay Yorme IskoAlam mo, Dondon, kung nabubuhay pa sana si German Moreno ay tiyak na matutuwa siya dahil magkakaroon ng reunion ang mga naging miyembro ng “That’s Entertainment” on October 5, a day after his birthday.

Noong magkasama sina Ruffa Gutierrez at Assunta de Rossi kamakailan ay topic nila ang tungkol doon.

Bale bukod sa ise-celebrate nila ang birthday ng tinaguriang Master Showman, ise-celebrate rin nila ang tagumpay ng kapwa nila naging “That’s Entertainment” member na si Manila Mayor Isko Moreno.

Ngayong October din kasi ang birthday ni Mayor Isko at mag-45 na siya.

Ang balita ko, maraming “That’s Entertainment” “alumnus” ang nag-confirm na na darating sila sa reunion na ‘yon.

Bale share-share sila sa gagastusin doon, kaya bawat isa raw ay may kailangang bayaran, pero okay lang naman dahil parang five hundred pesos nga lang.

Maine-Carlo movie may 60 block screening na

Sa Monday na ang press launch ng pelikulang “Isa Pa With Feelings” nina Maine Mendoza at Carlo Aquino dahil ipapalabas na nga ‘yon sa October 16.

Bongga ang mga fan ni Maine dahil sobrang pinaghahandaan nila ang pelikula.

May pa-block screenings sila para sa “Isa Pa With Feelings” and the latest I heard, more than 60 na ang naka-schedule nila, huh!

Mapuntahan kaya ni Maine ang mga ‘yon?

Eh, ang mga fan din ni Carlo, mahilig magpa-block screening. Nakasabay ko pa ang mga ito noon nang magpa-block screening ako ng “Kuya Wes” ni Ogie Alcasid sa Podium Cinema.

Ang bongga dahil sa pa-block screenings pa lang ay ang laki na ng kikitain ng “Isa Pa With Feelings”, ‘noh?

Shawie inili-link ulit kay Rowell Santiago

Si Rowell Santiago ang direktor ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid on October 18 & 19 sa Araneta Coliseum.

Of course, may mga bumibiro sa Megastar dahil ex-boyfriend niya si Direk Rowell.

Pero siyempre, hanggang biruan lang ‘yon at sanay na rin naman sila na magkatrabaho dahil hindi naman first ang “Iconic” dahil naidirek na rin naman ni Rowell ang Megastar sa ilang concerts.

Saka good friends ang dalawa, kaya masaya kapag magkasama sila.

Anyway, kung si Rowell ang direktor ng “Iconic”, dalawa naman ang musical directors ng concert, si Louie Ocampo na madalas makatrabaho ni Sharon at si Raul Mitra na namamahala naman sa mga concert ni Regine.

Ang bongga nga dahil dalawa pa ang musical directors ng “Iconic”, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *