Tetay tuloy ang show sa Dos: Away nina Kris, Cristy ikinalungkot ni Lolit

Tuloy na tuloy nga ang show ni Kris Aquino sa Linggo (Nov. 8, 10am). Inanunsiyo na nga ng ABS-CBN (via ABS-CBN Entertainment Facebook page) ang show ni Kris, na ang titulo ay ‘Makasama Ngayong Pasko’. Sanib-puwersa nga ang Lady’s Choice at si Kris mismo sa project na ito. At live itong mapapanood sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN.

The post Tetay tuloy ang show sa Dos: Away nina Kris, Cristy ikinalungkot ni Lolit first appeared on Abante.

tetay tuloy ang show sa dos away nina kris cristy ikinalungkot ni lolit - Tetay tuloy ang show sa Dos: Away nina Kris, Cristy ikinalungkot ni Lolit
lolit - Tetay tuloy ang show sa Dos: Away nina Kris, Cristy ikinalungkot ni Lolit

Tuloy na tuloy nga ang show ni Kris Aquino sa Linggo (Nov. 8, 10am). Inanunsiyo na nga ng ABS-CBN (via ABS-CBN Entertainment Facebook page) ang show ni Kris, na ang titulo ay ‘Makasama Ngayong Pasko’. Sanib-puwersa nga ang Lady’s Choice at si Kris mismo sa project na ito. At live itong mapapanood sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN.

Heto nga ang chika ng ABS-CBN Entertainment:

“Abangan ang ‘Makasama Ngayong Pasko’ heartwarming Christmas film premiere ngayong November 8, 10 am Live dito sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, handog sa atin ni Kris Aquino at ng Lady’s Choice Philippines. Manood hanggang dulo at manalo ng P100 Lazada discount voucher/s para sa Lady’s Choice Mac-A-Sama Kit! #MakasamaNgayongPasko.”

Meanwhile, ginagawan naman ng paraan ni Tita Lolit Solis na hindi lumala ang galit ni Cristy Fermin kay Kris, dahil sa diumano ay pagtanggi nito na makasama sana sa show nila si Mr. Fu.

“Ayaw ko naman na pagmulan ito ng tampuhan dahil clear naman iyon naging paliwanag sa lahat, sana hindi na magkaruon ng heavy feelings tutal naman isa lang itong show, let it pass, huwag na muna i-push, someday who knows.

“Sana lahat happy, sana lahat taking it lightly like Mr. Fu, sana din maayos sila Cristy at Kris, hindi lang siguro naging ayos ang naging latag ko kaya medyo nagtampo si Cristy.

“Life is too short para isarado mga pinto at bintana with finality. Basta take things one at a time, huwag masyado seryoso. Life goes on,” sabi pa ni Tita Lolit. (Dondon Sermino)

The post Tetay tuloy ang show sa Dos: Away nina Kris, Cristy ikinalungkot ni Lolit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *