Tenga ni Kathryn ginagaya ng mga fan

Pabago-bago ang mga style sa fashion na nauuso bawat panahon. At muling bumalik sa trend ng fashion ang pagpi-piercing nang simulan nga ito ng tatlong personalidad na sina Kathryn Bernardo, Ria Atayde at Juan Miguel Severo bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

The post Tenga ni Kathryn ginagaya ng mga fan appeared first on Abante News Online.

tenga ni kathryn ginagaya ng mga fan - Tenga ni Kathryn ginagaya ng mga fan
kath 9 - Tenga ni Kathryn ginagaya ng mga fan

Pabago-bago ang mga style sa fashion na nauuso bawat panahon. At muling bumalik sa trend ng fashion ang pagpi-piercing nang simulan nga ito ng tatlong personalidad na sina Kathryn Bernardo, Ria Atayde at Juan Miguel Severo bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

Pero kamakailan lamang ay muling bumalik si Kathryn sa tagalagay ng piercing para magpadagdag ulit sa ibang bahagi naman ng kanyang tenga.
Sa sumunod na pagbisita nga ni Kathryn ay kasama niya na si Daniel kung saan tila natunaw ang puso ng mga Pilipino sa sobrang kilig sa pagiging supportive ni Daniel kay Kathryn.

This time, ibinida ni Kathryn sa kanyang Instagram ang lahat ng piercing na napagawa niya sa kanyang tenga. Mayroon na ngang limang piercing sa kanang tenga ngayon si Kath.

Kinukwestiyon naman ng iba kung paano nabigyan ng hustisya ni Kathryn na bagay sa kanyang mag-piercing. Karamihan daw kasi ay marumi umanong tignan sa babae ang pagkakaroon ng piercing pero pagdating kay Kathryn ay malinis at maganda pa ring tignan.

Dahil diyan, marami ang naengganyo na dagdagan ang kanilang butas sa tenga dahil hindi nga masamang tignan ito sa kanilang idolo at pina-uso na nga ni Kathryn and friends ang style na ito. (Athena Yap)

The post Tenga ni Kathryn ginagaya ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *