Tekla naluha, sinurpresa nina Donita, Boobay

Mabuting tao nga siguro si Super Tekla, dahil ang dapat sana ay pangyayari na nagpabagsak sa kanyang career ay mas lalo pang nagpaangat o nagpasikat sa kanya.

The post Tekla naluha, sinurpresa nina Donita, Boobay first appeared on Abante.

tekla naluha sinurpresa nina donita boobay - Tekla naluha, sinurpresa nina Donita, Boobay
abante tekla 1 - Tekla naluha, sinurpresa nina Donita, Boobay

Mabuting tao nga siguro si Super Tekla, dahil ang dapat sana ay pangyayari na nagpabagsak sa kanyang career ay mas lalo pang nagpaangat o nagpasikat sa kanya.

Ito nga `yung reklamo ng live in partner niya, na may mga video pa na ipinakita. Na sa halip na ikondena, isumpa si Tekla ng mga netizen, mas sa kanya pa kumampi.

Anyway, sa January 13 ang birthday ni Tekla, at 39 years old na siya. Pero, nitong Linggo (Jan. 10) pa lang ay nagsama-sama na ang mga malalapit niyang kaibigan para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Sinurpresa nga nila si Tekla, at ang bongga dahil wala ngang kamalay-malay ang komedyante na may party na pala siya, dahil simpleng shorts at sando lang ang suot niya, ha! Makikita nga ang pagluha ni Tekla dahil sa kaligayahan.

Ang bongga rin na umulan ng lechon baboy at baka at pagkain sa kaarawan niya. Marami ring inumin na siguradong makakapagpalasing sa mga bisita niya.

At ang pinaka-bongga sa lahat ay ang pa-games pa ni Tekla na kung saan ay umulan talaga ng premyong datung, ha!

Anyway, si Donita Nose ulit ang may pakana sa surpresang birthday party na ito para kay Tekla.

At yes, present nga sa birthday party ni Tekla ang Beks Battalion (Chad Kinis, MC Muah, Lassy), Tetay, at si Boobay, na tinapunan ng icing sa mukha.

Anyway, iginiit nga nila na lahat daw sila sa (swimming) party na `yon ay dumaan sa swab test, bilang pagsunod sa tagubilin ng may-ari ng resort na pinuntahan nila. (Dondon Sermino)

The post Tekla naluha, sinurpresa nina Donita, Boobay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *