Tekla, Donita concert sa US mahina ang benta

Na-sad naman ako sa post ng isang friend ko from Los Angeles,­ California.­

tekla donita concert sa us mahina ang benta - Tekla, Donita concert sa US mahina ang benta
super tekla - Tekla, Donita concert sa US mahina ang benta

Jun Lalin Anything Goes 336x224 - Tekla, Donita concert sa US mahina ang bentaNa-sad naman ako sa post ng isang friend ko from Los Angeles,­ California.­

Puwede raw bumili sa kanya ng VIP tickets sa show nina Super Tekla at Donita Nose at nakalagay na may “huge discount” ang mga bibili.
So, mahina ba ang tickets sale sa show nina Super Tekla at Donita Rose sa lugar na ‘yon?

“True,” ang sagot ng isang tinanong ko.

Sayang naman. Usually kasi, ang VIP tickets ang unang nauubos, eh.

Nang tanungin ko naman ang friend ko kung may bumili naman ng VIP tickets­ sa kanya with “huge discount” ay yes naman ang sagot niya.

‘Yung sa East Coast shows kasi nina Super Tekla at Donita Nose ay kasama nila si Christian Bautista, pero ‘yung sa West Coast nila ay sila na lang ang alam ko.

Kung sakaling kasama rin kaya sa West Coast si Christian, mas naging ok kaya?

Anyway, marami naman daw sa mga nanood sa first two shows nina Super Tekla at Donita Nose ang naaliw­ sa kanila dahil ­magaling naman sila, and as of this ­writing ay may pagkakataon pa naman na bumenta pa ang tickets nila (15 hours behind ang West Coast sa atin and by the time na binabasa ninyo ito ay on going pa ang show nila).

Saka nagkataon nga lang na marami talagang shows ngayon sa Amerika, kaya puwedeng­ naapektuhan sila.

Alfred sobrang
lambing sa mga anak

Kahapon ay nakabalik na sa bansa ang actor/­politician na si Alfred Vargas mula sa New York kung saan ay ­nag-shoot­ sila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao ng MNL-HK-NY (Manilla-Hong Kong-New York) movie nila under Direk Mac Alejandre.

Mukhang sobrang na-miss ni Alfred ang misis na si Yasmine at tatlo nilang mga anak, kaya hinid na siya nagtagal doon at umalis na kaagad ng Saturday.

Sabi ni Alfred nang maka-text ko kahapon, “We were still ­doing scenes Friday afternoon then check in na sa airport no’ng gabi dahil early morning ang flight namin for Manila,” sabi niya.

Iba talaga kapag pamilyado na, hindi na nag-e-extend para makapagbakasyon.
Mas type na kasi ni Alfred to go on vacation na kasama ang misis niya at mga anak.

Saka today rin daw, balik-congress na rin si Alfred dahil ‘yon na ang priority niya at minsan na lang siyang gumagawa ng showbiz projects.

Ang sweet nga pala ng misis ni Alfred dahil talagang ­gumising ng napakaaga ni Yasmine at sinundo ang mister kasama ang bunso nilang si Cristiano.

Pagdating naman ni Alfred sa bahay ay may artwork ang ­dalawang anak na babae, sina Alexandra at Aryana, na ­nakalagay ay, “Welcome back, Daddy” at pagpasok niya sa loob ay nagtatatakbo ang girls niya at yumakap at kumarga sa kanya.

Ang sweet nga ng “eksenang” ‘yon ni Alfred with his ­daughters.
Actually, very sweet talaga si Alfred sa mga anak. May mga pagkakataon na kapag hindi siya busy sa kongresso ay bigla na lang na siya ang susundo sa mga anak.
Ang alam ko nga pala, si Shaina ay umuwi na rin kaagad ng bansa, pero si Iza ay nagpaiwan pa sa New York.

‘Ogie and The Hurados’ sa Oct. 10 na

Kung ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid ay may Iconic concert with Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum on October 18 & 19, si Ogie Alcasid naman, may Ogie and The Hurados concert sa Newport Performing Arts Theater on October 10.

Bukas ay birthday na ni Ogie, kaya puwedeng sabihin na post birthday event din niya ang concert kung saan ay guests niya sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela at Rey Valera.

Kahapon nga pala ang birthday celebration ni Ogie sa ASAP Natin ‘To, kaya medyo busy siya at hindi nasagot ang text ko kung ano ba ang plano nila ni Regine sa birthday niya bukas.
Anyway, happy, happy birthday, Ogie!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *