Ted, Korina magsasama sa TV5 show

Hmmm…so totoo kaya ang balitang nakarating sa amin na malaking factor daw ang paglipat ni Manong Ted Failon sa TV5 sa naging desisyon ni Korina Sanchez?

The post Ted, Korina magsasama sa TV5 show first appeared on Abante.

ted korina magsasama sa tv5 show - Ted, Korina magsasama sa TV5 show
Korina Sanchez and Ted Failon - Ted, Korina magsasama sa TV5 show

Hmmm…so totoo kaya ang balitang nakarating sa amin na malaking factor daw ang paglipat ni Manong Ted Failon sa TV5 sa naging desisyon ni Korina Sanchez?

Ayon kasi sa mga gumawa ng market research, totoong mas viable si Korina dahil bukod sa nakilala na ito sa kanyang magazine format show na may halong showbiz at lifestyle, bongga rin ang kredibilidad nito bilang broadcast journalist.

Mas madali nga namang mag-wan-plus-wan kung may layunin ang TV5 at mga blocktimer/producer na pagsamahin ang powers nina Manong Ted at Ateng Koring para mas lalong lumakas ang news program nila.

Hmmmm….may mag ho-hoy gising kaya sa Kapatid network?

Kaugnay pa rin ng pag-amin ni Kris Aquino na hindi na matutuloy ang pagbabalik-TV niya at ang pagkakaroon niya ng kapalit sa show na dapat ay sa kanya, mukhang mauungkat ang dating Kris-Korina battle.

As we write this, puspusan na raw ang pag-shoot ng mga teaser at merchandizing plug para sa ilu-launch na show ni Korina.

“More viable,” ang sinabi na Kris kung bakit siya pinalitan ni Koring habang may hirit pa itong hindi daw siya “bet” ng TV 5.

Agad namang nilinaw ng ilang taga-Kapatid network na wala pang pormal na anunsyo at hindi pa sila nai-inform ng producer ng show, pero welcome naman daw ang lahat at “bet” nila ang sinumang “bet” din sila.

Hala, hindi pa naman nagsisimula ang show, may mga tila nabubuhay ng rivalry dati o mga isyu na kinasangkutan nina Kris at Koring na iwasan man o hindi ay mauungkat at mapag-uusapan.

Masasabi naming wise, magaling at well-advised ang producer at mga magpapatakbo ng show. Hindi pa man, top rating na ang mga chika para sa kanila.

The post Ted, Korina magsasama sa TV5 show first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *