Taylor pumalag sa pambu-bully ni Scooter

Naglabas ng kanyang sama ng loob ang singer na si Taylor Swift sa manager ni Justin Bieber na si Scooter Braun.

The post Taylor pumalag sa pambu-bully ni Scooter appeared first on Abante News Online.

taylor pumalag sa pambu bully ni scooter - Taylor pumalag sa pambu-bully ni Scooter
taylor 3 - Taylor pumalag sa pambu-bully ni Scooter

Naglabas ng kanyang sama ng loob ang singer na si Taylor Swift sa manager ni Justin Bieber na si Scooter Braun.

Inakusahan niya ito ng pambu-bully dahil sa pag-angkin nito ng kanyang music catalog mula sa unang recording company niya na Big Machine Records.

Nagulat na lang daw si Taylor na may nagbalita sa kanya na binenta na ng dating may-ari ng Big Machine Record na si Scott Borchetta ang label kay Braun sa halagang $300 million.

Ibig sabihin nito ay si Braun na ang owner ng lahat ng songs na ginawa ni Taylor para sa naturang recording company kunsaan siya nagsimula sa edad na 15.

Ang kinasasama raw ng loob ni Taylor ay noon pa niya gustong bilhin ang kanyang music catalog, pero hindi raw siya binigyan ng pagkakataon ni Borchetta.

“For years I asked, pleaded for a chance to own my work. Instead I was given an opportunity to sign back up to Big Machine Records and ‘earn’ one album back at a time, one for every new one I turned in. I walked away because I knew once I signed that contract, Scott Borchetta would sell the label, thereby selling me and my future.

“I had to make the excruciating choice to leave behind my past. Music I wrote on my bedroom floor and videos I dreamed up and paid for from the money I earned playing in bars, then clubs, then arenas, then stadiums.

“Some fun facts about today’s news: I learned about Scooter Braun’s purchase of my masters as it was announced to the world. All I could think about was the incessant, manipulative bullying I’ve received at his hands for years.”

Noon pa may hinala si Taylor na may kinalaman din si Braun sa ginawang paninira sa kanya ni Kanye West, which happens to be one of Braun’s clients bukod kay Bieber.

Nagpapasalamat na lang si Taylor na pumirma siya ng magandang deal with Republic Records and Universal Music Group. Nirerespeto raw nila ang mga hiniling niya in regards to owning her music. (Ruel M­endoza)

The post Taylor pumalag sa pambu-bully ni Scooter appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *