Tatay ni Ogie pumanaw na

Pareho na ngayong ulila sa kanilang mga ama ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

The post Tatay ni Ogie pumanaw na first appeared on Abante.

tatay ni ogie pumanaw na - Tatay ni Ogie pumanaw na
abante ogie alcasid 2 - Tatay ni Ogie pumanaw na

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Tatay ni Ogie pumanaw naPareho na ngayong ulila sa kanilang mga ama ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Ang social media post ni Ogie ang bumulaga umaga ng Martes. Kasama nito sa larawan ang kanyang ama na si Herminio Alcasid, Sr.

Isang oras sa pagitan ng post ni Ogie sa kanyang Facebook account, humihingi ito ng dasal sa kanyang post na ‘Lord Have Mercy.’

Makalipas ang isang oras, ang caption niya na, “I will miss you so much my dear Dad. My heart grieves knowing you are gone but I am at peace because there is no more pain and no more suffering dear papa. Rest with Jesus. I love you so much.”

Ang Tatay ni Ogie ay isang lawyer at dating President at CEO ng Philippine National Oil Development and Management Corporation. Habang sinusulat namin ito, wala pang ibinibigay na detalye ng sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang aming pakikiramay.

Enzo, Darwin feeling kambing sa damuhan

Hindi maikakaila na biglang naging trend ngayon ang mga BL series. Ngayong may pandemic, ang BL series ang isa sa nag-rise talaga, although, karamihan ay sa online platform lang napapanood.

Iba ang bagong BL series na produced ng AsterisK Digital Entertainment na sa first time na mapapanood sa telebisyon.

Magpi-premiere ito sa September 27, 10 pm sa TV5 at GagaooLala at ia-upload din sa AsterisK Digital Entertainment channel on YouTube sa parehong araw. Pero ang GagaOOlala ay may pre-release na mga bagong episodes tuwing Martes, 5 araw bago ang TV at You Tube release ng “My ExtraOrdinary.”

Ang mga bida this time ay ang maitururing na mga newbies pa rin sa showbiz na sina Enzo Santiago at Darwin Yu. At dahil nga for TV release ito, given na kailangan nilang mag-comply sa MTRCB standards. Wala namang nakikitang problema rito ang director ng series na si Direk Jolo Atienza. Ayon sa kanya, aware siya na yung element na may sexual ang isa sa inaabangan sa mga BL series, sa MY ExtraOrdinary, nandoon din naman daw yun, pero mas focused siya sa kuwento raw talaga.

Proud din ito na ang dami na rin nabubuong following nina Darwin at Enzo. Sa kuwento niya, “Kung napapanood niyo ang trailer namin, sa line ni Ms. Yayo (Aguila), meron don na bakit kayo naglalandian sa damuhan, ano ba kayo, mga kambing? So, parang they we’re tagged as kambing.

“Yung mga fans nila, like sa Twitter, yun na ang tawag sa kanila at napaka-interactive nila. May mga gifts pa sila. Talagang sobrang support ng mga kambings. Sineryoso nila ang tawag.”

The post Tatay ni Ogie pumanaw na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *