Tatay ni Nadine iritado kay James?

Gaya ng ibang mga tatay, kapag ang anak ay namomroblema, nariyan sila upang gumabay at lumaban para sa anak.

tatay ni nadine iritado kay james - Tatay ni Nadine iritado kay James?
nadines father - Tatay ni Nadine iritado kay James?

Gaya ng ibang mga tatay, kapag ang anak ay namomroblema, nariyan sila upang gumabay at lumaban para sa anak.

Iyon ang nakita sa ama ng aktres na si Nadine Lustre dahil kapansin-pansin ang sunod-sunod na patutsada nito sa kanyang social media na palagay ng mga fan ay may kinalaman sa tambalang JaDine.

Heto nga ang ilan sa mga naging patutsada via Facebook ni Ulysses Lustre na ama ng aktres:

“Relationships bourne not only love but of respect, support, commitment and family is like a shanty built on rock. The elements of disaster can’t break it.”

“Hardwork and talent does not always guarantee success in the entertainment biz. You also have to be a good marionette. Sad but true.”

“Facebook says, ‘What’s on your mind?’. I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while.

“Here it goes; I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”

Hindi kaya may kinalaman iyon sa tambalang “JanCy”?

Kamakailan kasi ay naging trending ang magiging proyekto ni James Reid na boyfriend at ka-love team ni Nadine kung saan ipapares ito sa Korean superstar na si Nancy ng Momoland.

Bago naman mangyari ‘yan, kumalas ang aktor sa dating talent management na Viva Entertainment at umuugong din ang usaping balak din umano ni Nadine na umalis sa management na iyon upang sundan si James.

So what is the meaning of this? Si James nga ba ang pinatatamaan ni Daddy Lustre?

May problema nga kaya ang JaDine? Eh kailan lang din nang pumalag si James na huwag nang pangalanan ang tambalan nila ni Nancy dahil mayroon na nga siyang JaDine na love team.

Ano nga ba talaga ang totoong nangyayari? Nakakaloka, ha! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *