Tatay ni Bitoy pumanaw na

Pumanaw na si Cesar Felix Bunagan, ama ng komedyanteng si Michael V aka Bitoy nitong Lunes, Oktubre 14. Ibinahagi ng comedian-actor ang kanyang pagdadalamhati sa IG kung saan makikita ang kamay nilang dalawa ng kanyang ama na magkahawak-kamay kalakip ang caption na:

tatay ni bitoy pumanaw na - Tatay ni Bitoy pumanaw na
michael v - Tatay ni Bitoy pumanaw na

Pumanaw na si Cesar Felix Bunagan, ama ng komedyanteng si Michael V aka Bitoy nitong Lunes, Oktubre 14. Ibinahagi ng comedian-actor ang kanyang pagdadalamhati sa IG kung saan makikita ang kamay nilang dalawa ng kanyang ama na magkahawak-kamay kalakip ang caption na:

“Almighty and merciful God, who hast bestowed upon mankind saving remedies and the gift of everlasting life, look graciously upon us Thy servants and comfort the souls which Thou hast made, that, in the hour of their passing, cleansed from all stain of sin, they may deserve to be presented to Thee, their Creator, by the hands of the holy angels. Through Christ our Lord. Amen.”

Hindi idinetalye ng aktor kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama pero kamakailan lang ay humiling ito ng dasal sa kanyang mga kaibigan at fan para gumaling ang kanyang ama.

Mayroon din siyang ibinahagi noong unang linggo ng Oktubre ng kamay ulit nila ng kanyang ama na may caption na “holding on”.

Tatlong araw naman bago tuluyang mamaalam si Mr. Bunagan, nagbahagi pa si Bitoy ng family picture nila kung saan nasa malakas na kalagayan pa ang kanyang ama. Bumuhos naman sa social media ang pakikiramay ng mga artista at fan sa aktor. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *