Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa Mindoro

Sa kabila ng pandemya na nararanasan ng lahat sa loob ng sampung buwan, masaya ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon na nagawa pa rin niya ang taunang pagtulong o pagbibigay niya sa mga kababayan niya sa Mindoro.

The post Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa Mindoro first appeared on Abante.

tatakbo sa 2022 ejay falcon nagpaulan ng biyaya sa mindoro - Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa Mindoro
Ejay Falcon - Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa Mindoro

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 3 300x180 - Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa MindoroSa kabila ng pandemya na nararanasan ng lahat sa loob ng sampung buwan, masaya ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon na nagawa pa rin niya ang taunang pagtulong o pagbibigay niya sa mga kababayan niya sa Mindoro.

Nakita namin nang mag-post ang girlfriend ni Ejay na si Jana Roxas nang naging gift-giving nila. Kaya kinamusta namin si Ejay. Nakauwi na raw sila ngayon mula sa Mindoro kunsaan, doon sila nag-New Year kapiling ang pamilya ni Ejay.

Dalawang beses pa lang nakakauwi ng Mindoro si Ejay mula noong magkaroon ng COVID-19. Nakauwi raw siya noong medyo nagluwag ng August at ngayon ngang New Year, kaya mas meaningful pa na nakasama niya ang pamilya niya.

Taunang ginagawa ni Ejay ang pagsi-share ng blessing sa mga kababayan. May sampung taon na ito at una niya itong ginawa nang makalabas siya ng PBB House. Ayon kay Ejay, masaya siya na kahit na sabihin pang may pandemya, nakapag-share pa rin daw siya kahit paano ng blessing.

Dalawang baranggay ang nabigyan niya at wish niya na yearly, madagdagan pa ito. Mga matatanda at bata ang naging recipients ngayon.

Nanghihinayang lang ito na hindi niya nagawa ngayon ang paliga niya ng basketball para sa mga kabataan.

“Yearly kasi, hinihintay nila yun, inaabangan nilang talaga. Kaso, talagang hindi pa raw allowed. Pero sana this year, kahit hindi Christmas o New Year, maituloy pa rin namin.”

Natatawa na lang si Ejay at nagugulat pa rin kung may nag-iisip man na kaya niya ginagawa ang pamimigay at pagpapaliga sa mga kababayan ay sa dahilang may plano siyang tumakbo sa politika in the future o sa 2022.

Sabi nga niya, “Bakit nila iisipin yun, paglabas ko pa lang ng PBB, ginagawa ko na ‘to. Yung bata ko no’n, maiisip ko ba politika. Masarap lang makita ang mga nangangailangan na masaya, nakakatawa para salubungin ang bagong taon.”

Sa isang banda, tuloy-tuloy rin naman ang mga proyekto ni Ejay bilang Kapamilya. May book 2 ang Paano ang Pasko at mapapanood din siya sa MMK with Arci Munoz ngayong January A2Z channel at ginagawa na rin niya ang historical film na Balangiga1901.

***

Nanay ni Daniel inspirasyon ng matataba

Daming naaliw na netizens kay Karla Estrada sa pasabog nitong pictorial video sa kanyang Instagra, account.

Nasa Boracay si Karla kasama ang buong pamilya, kabilang ang boyfriend at ang anak na si Daniel Padilla kunsaan nila sinalubong ang taong 2021.

Rumampa ito sa dalampasigan ng Boracay habang nakahawak sa puno, Puno na napulot nito at ginamit ng props sa kanyang pictorial. At ang bongga, naka-one piece swimsuit ito habang mega pictorial.

Kahit na chubby si Karla, ang taas ng confidence level niyang mag-swimsuit at mag-pictorial. Pinuri naman siya ng mga netizens na si Karla raw yung tipo ng chubby na sexy at hot. Nasa pagdadala raw talaga yan.

In-encourage rin niya ang natatakot mag-swimsuit o walang confidence. May nag-comment dito na ngayon daw kasi, mabilis manghusga ang mga tao.

Sey ng nanay ni Daniel rito, “’Wag mong isipin ang ibang tao mapanghusga wala silang saysay sa buhay natin! Suot mo lahat ng gusto mo na ikasasaya mo! Go!”

The post Tatakbo sa 2022? Ejay Falcon nagpaulan ng biyaya sa Mindoro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *