TANAW-BALIK: Mga pelikulang tumalakay sa military hazing

Mga pelikulang tumalakay sa military hazing

Nalagay sa alanganin ang Philippine Military Academy (PMA) nang ma-headline ang pagkamatay ng isang cadet student nila, ang 20-year-old na si Darwin Dormitorio, sanhi umano ng hazing.

tanaw balik mga pelikulang tumalakay sa military hazing - TANAW-BALIK: Mga pelikulang tumalakay sa military hazing
tanaw balik 2 - TANAW-BALIK: Mga pelikulang tumalakay sa military hazing

Ni: Ruel Mendoza

Nalagay sa alanganin ang Philippine Military Academy (PMA) nang ma-headline ang pagkamatay ng isang cadet student nila, ang 20-year-old na si Darwin Dormitorio, sanhi umano ng hazing.

Noong araw pa nagiging issue ang hazing sa military kunsaan ang kahit na sinong miyembro ng military, regardless of service or rank, ay pinagdurusa sa anumang activity which is cruel, abusive, humiliating, oppressive, demeaning, or harmful.

Maraming puwedeng maging epekto ang hazing sa isang tao. It may lead to depression, personal trauma, suicide, permanent paralysis and accidental death.

Sa ibang military institutions sa ibang bansa, iba-ibang forms of hazing ang ginagawa nila sa mga cadet students tulad ng “choke yourself” kunsaan sasakalin mo ang sarili mong leeg pero hindi ka puwedeng mawalan ng malay; “bodily marking” kunsaan puwersahan kang lalagyan ng tattoo sa kahit saang parte ng katawan mo; “blanket party” ay habang natutulog ka ay bigla lang tatakpan ng kumot at papaluin ka ng bag full of laundry; at ang pinakamatindi ay ang “code red” na kikidnapin ka mula sa kuwarto mo, iba-blindfold ka, bubusalan ang bibig at alternately kang susuntukin sa katawan ng ilang tao.

Heto ang ilang pelikula na nagpapakita ng panganib at epekto ng military hazing…

AN OFFICER AND A GENTLEMAN (1982)

Kuwento ito ni Zack Mayo (Richard Gere), na nagdesisyong maging United States Navy Aviation Officer candidate sa Aviation Officer Candidate School dahil sa kanyang ama na isang retired navy chief na hindi nagpakita ng pagmamahal sa kanya at sa kanyang inang nagpakamatay. Isang Navy Brat si Zack at pinag-iinitan siya parati ng kanilang drill sergeant na si Emil Foley (Lou Gossett, Jr.). Pagkatapos ng lahat ng buwis-buhay na training at hazing, natanggap niya ang saludo mula sa kanyang drill sergeant. Directed by Taylor Hackford, the title is an old expression from the Royal Navy and later from the US Uniform Code of Military Justice’s charge of “conduct unbecoming of an Officer and a Gentleman” (from 1860). It won two Academy Awards for best supporting actor (Gossett, Jr.) and best original song (“Up Where We Belong”).

FULL METAL JACKET (1987)

Ang Stanley Kubrick war film na ito ay hindi lang tungkol sa Battle of Hue in Vietnam, kundi trauma na maiiwan sa mga sundalo sa simula pa lang ng training at sa hazing na pinagdaanan nila. Bida rito sina Matthew Modine at Vincent D’Onofrio bilang mga new recruits na sina Joker at Pyle. Gumanap na abusive drill sergeant nila ay si R. Lee Ermey. In 2001, the American Film Institute placed it at No. 95 in their “AFI’s 100 Years…100 Thrills” poll.

A FEW GOOD MEN (1992)

Isang US Marine ang namatay dahil sa isang code red hazing sa Guantanamo Bay Naval Base in Cuba. Pilit na pinagtatakpan ito ng pinakamataas na opisyal pero nakakaamoy ng isang conspiracy ang military lawyer sa kasong ito. Directed by Rob Reiner, bida rito si Tom Cruise as Lt. Daniel Kaffee na naging defense lawyer ng dalawang naakusahang marines at ang pagsiwalat niya sa binigay na code red order ng base commander na si Col. Nathan Jessep played by Jack Nicholson. Nakatanggap ang pelikula ng apat na Oscar nominations at na-recognize ito ng American Film Institute in 2003 in 100 Heroes & Villains.

G.I. JANE (1997)

Bida sa Ridley Scott film na ito si Demi Moore as Lieutenant Jordan O’Neil na napili para sa integration of women in the military service program in response sa statement ni Senator Lillian DeHaven (Anne Bancroft) na hindi gender-neutral ang US Navy. Inakala nilang fragile si Jordan at bibigay ito bago pa man ito tumagal ng ilang weeks sa training at hazing sa ilalim ni Commander John James Urgayle (Viggo Mortensen). Pero hindi bumigay si Jordan at nagawa niyang makuha ang respeto ng kanyang commander. Sadly, nag-flop ito sa box-office.

JARHEAD (2005)

This biographical war drama based on US Marine Anthony Swofford’s 2003 memoir of the same name is directed by Sam Mendes and stars Jake Gyllenhaal as Swofford with Jamie Foxx, Peter Sarsgaard and Chris Cooper. Nag-train sila sa ilalim ng sadistic drill instructor, pina-ship out sila sa pagsimula ng Gulf War. Doon ay hinihintay na lang nila ang magiging kapalaran nila. Kung makakauwi pa ba silang buhay para makita ulit ang mga mahal nila sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *