TANAW-BALIK: Mga pelikulang pinalakpakan, nagbigay-pugay sa autism

Sine-celebrate sa buwan ng Abril ang World Autism Awareness Month.

The post TANAW-BALIK: Mga pelikulang pinalakpakan, nagbigay-pugay sa autism appeared first on Abante News Online.

tanaw balik mga pelikulang pinalakpakan nagbigay pugay sa autism - TANAW-BALIK: Mga pelikulang pinalakpakan, nagbigay-pugay sa autism
Abante 2019 Tanaw Balik - TANAW-BALIK: Mga pelikulang pinalakpakan, nagbigay-pugay sa autism

Ni Ruel Mendoza

Sine-celebrate sa buwan ng Abril ang World Autism Awareness Month.

Ito ay internationally recognized at every year, starting April 2 ay ini-encourage ng United Nations ang pag-raise ng awareness for people with Autism Spectrum Disorder (ASD) sa buong mundo. Pinasa ito sa UB General Assembly bilang isang resolution noong November 2007.

Ayon sa UN: “World Autism Day is one of only seven official health-specific UN Days. The day itself brings individual autism organizations together all around the world to aid in things like research, diagnoses, treatment, and acceptance for those affected by this developmental disorder.”

Ang autism ay isang developmental disorder charac­terized by difficulties with social interaction and communication and by restricted and repetitive behavior.

Globally, autism is estimated to affect 24.8 million people as of 2015. In the developed countries, about 1.5% of children are diagnosed with ASD as of 2017. It occurs four-to-five times more often in males than females. Pinatupad ang Austism Awareness Month para ma-recognize ng marami na ang disorder na ito ay hindi dapat katakutan at kailangan na tratuhin bilang normal na tao ang sinumang may autism.

Kaya heto ang ilang mga pelikula na nagpapakita na ang autism ay hindi isang sakit na walang lunas. Na kailangan lang ay pag-uunawa, pasensya at masidhing­ pag-aaral tungkol sa disorder na ito.

RAIN MAN (1988):

Ang American comedy-drama na ito na dinirek ni Barry Levinson­ at pinagbida­han nina Dustin Hoffman at Tom Cruise ay isang road movie tungkol sa magkapatid na Charlie and Raymond. Isang makasariling tao at baon sa utang si Charlie na nadiskubre na may kapatid ito sa labas na isang autistic savant na si Raymond kung kanino pinamana ang isang multi-million estate. Para makakuha si Charlie ng kalahati ng mana, kailangang makuha niya sa kanyang custody si Raymond, pero susunod ito sa mga kakaibang rules ng kapatid. Nanalo rito si Dustin Hoffman ng best actor sa Academy Awards.

WHAT’S EATING GILBERT GRAPE? (1993):

Ang American drama na ito ay tungkol kay Gilbert, na sa edad na 24 years old ay napilitang ma­ging head of the house. Inaala­gaan niya ang kanyang obese na ina at protektahan ang kanyang mentally-impaired brother na si Arnie na mahilig umakyat sa isang water tower at hindi nagpapahawak sa kung sino-sino except for Gilbert. Mula ito sa direksyon ni Lasse Hallstrom at bida rito si Johnny Depp bilang si Gilbert at Leonardo DiCaprio bilang si Arnie. Dahil sa mahusay na pagganap dito ni DiCaprio bilang isang autistic teenager, nanalo ito ng best supporting actor sa National Board of Review and Chicago Film Critics.

THE OTHER SISTER (1999):

Ang romantic-comedy na ito ni Garry Marshall ay tungkol sa isang ambitious and mildly mentally disabled young woman na si Carla na gustong patunayan sa kanyang ina, na ikinakahiya siya dahil sa kanyang sakit, na kaya niyang mabuhay at magmahal na parang isang normal na tao. Bida rito sina Juliette Lewis, Dianne Keaton at Giovanni Ribisi bilang autistic husband ni Carla.

I AM SAM (2001):

Directed by Jessie­ Nelson ang drama na ito na bida si Sean Penn bilang si Sam, isang lalake na may intellectual disability at single father sa kanyang anak na si Lucy (played by Dakota Fanning). Nakakakuha ng tulong si Sam mula sa kanyang support group kung paano alagaan ang kanyang anak na lumaki na isang matalinong bata. Nagawa ring ipaglaban ni Sam ang kanyang karapatan bilang ama sa kanyang anak. Umani ng maraming parangal si Dakota Fanning dahil sa kanyang performance bilang si Lucy. Kabilang na rito ang Broadcast Film Cri­tics Association Award for Best Young Performer, the Las Vegas Film Critics Society Award for Youth in Film, the Phoenix Film Critics Society Award for Best Youth Actress, the Satellite Special Achievement Award for Outstanding New Talent, and the Young Artist Award for Best Performance in a Feature Film – Young Actress Age Ten or Under.

MIRACLE RUN (2004):

Ang 2004 Lifetime Television movie na ito ay tungkol sa single mother na si Corrine (Mary-Louise Parker) na sa pagdala niya sa kanyang twin boys na sina Steven at Philip sa doctor ay nalaman niyang pareho silang may autism. Nagsikap si Corrine na makaha­nap ng mga taong puwedeng makatulong sa mga batang may autism, hanggang sa matagpuan niya ang The Miracle Run Foundation na nag-fund ng research into autism. Pinasalamatan siya ng kanyang twin boys dahil sa tiyaga at unconditional love nito sa kanila. Tampok din sa TV-movie sina Zac Efron, Bubba Lewis, Aidan Quinn and Alicia Morton.

MOZART AND THE WHALE (2005):

This romantic comedy-drama film starring Josh Hartnett and Radha Mitchell ay tungkol sa dalawang taong may Asperger syndrome (isang form of autism). Tungkol din ito sa isang small self-help group ng mga tao na apektado sa kanilang sakit. The movie is loosely based on the real-­life relationship of Jerry Newport and Mary Meinel.

TEMPLE GRANDIN (2010):

Ang biographical drama na ito starring Claire Danes ay tungkol kay Temple Grandin, isang autistic woman who revolutionized practices for the humane handling of livestock on cattle ranches and slaughterhouses. Na-diagnose si Temple with autism noong bata pa ito kaya naging uncommunicative siya at prone to tantrums. Ang inakala pa nila noon na ang autism ay isang form ng schizophrenia resulting from insufficient maternal affection. Pero ginawa ng ina ni Temple ang lahat para makatagpo ng mga taong makakatulong sa kanyang anak to adapt to social interaction. Napanalunan ng TV-movie na “Temple Grandin” ang Peabody Award in 2010 “for turning a superbly acted, inspirational film biography into an experien­tial event as well.”

STAR NA SI VAN DAMME STALLONE (2016):

Ang Pilipino film na ito na dinirek ni Randolph Longjas ay tungkol sa life story ng isang batang na-diagnose with down syndrome na na­ngarap na maging isang artista. New Year’s Eve noong ipanganak ni Nadia (Candy Pangilinan) ang kanyang anak na pinangalanan niya sa dalawang paborito niyang action stars na sina Jean Claude Van Damme at Sylvester Stallone. Noong ma-diagnose na may down syndrome si Van Damme Stallone (played by Paolo Pingol),­ naging protective silang buong pamilya rito at ang pangarap nitong maging aktor ay buong puso ang suporta ng kanyang ina. Bilang si Nadia, napanalunan ni Candy ang best actress award sa CineFilipino Film Festival 2016 at sa Los Angeles International Film Festival.

The post TANAW-BALIK: Mga pelikulang pinalakpakan, nagbigay-pugay sa autism appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *