Tanaw-Balik: ABS-CBN shutdown, Sarah-Matteo wedding scandal patok sa 2020

Sa kabila ng nararanasan pa rin na pandemya hindi lang sa bansa kung hindi sa buong mundo sa halos kulang sampung buwan na, walang duda na ang COVID-19 ang pinaka-top newsmakers at most searched online sa lahat mapa-showbiz, sports o pulitika man ito.

The post Tanaw-Balik: ABS-CBN shutdown, Sarah-Matteo wedding scandal patok sa 2020 first appeared on Abante.

tanaw balik abs cbn shutdown sarah matteo wedding scandal patok sa 2020 - Tanaw-Balik: ABS-CBN shutdown, Sarah-Matteo wedding scandal patok sa 2020
abante abs ashmatt - Tanaw-Balik: ABS-CBN shutdown, Sarah-Matteo wedding scandal patok sa 2020

Sa kabila ng nararanasan pa rin na pandemya hindi lang sa bansa kung hindi sa buong mundo sa halos kulang sampung buwan na, walang duda na ang COVID-19 ang pinaka-top newsmakers at most searched online sa lahat mapa-showbiz, sports o pulitika man ito.

Pero sa kabila nga ng pandemya, napakarami pa rin na pinag-usapan sa mundo mg showbiz na labas sa COVID-19.

TOP 1- ABS-CBN SHUTDOWN:

Sino ang makapag-aakala na magkakatotoo nga pala ang mga bali-balita na mapapasara ng present government ang isa sa pinakamalaking network sa bansa, ang ABS-CBN.

Dininig sa kongreso, nag-petition, nagsagawa ng noise barrage at iba pa, pero ang ending, shutdown pa rin.

TOP 2- MATTEO GUIDICELLI & SARAH GERONIMO SECRET WEDDING:

Ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, halos isang buwan bago ang enhanced community quarantine sa bansa. Napakaraming nagulat sa ginawang ito ng dalawa na sa sobrang kasikretuhan ng wedding, mismong mga magulang ni Sarah ay walang kaalam-alam.

Pero naging maingay ang secret wedding nang biglang dumating sa venue si Mommy Divine Geronimo at balitang nagkaroon ng mainit na pagtatalo at diumano’y nagkaroon pa ng pisikalan sa pagitan ni Matteo at ng bodyguard ni Sarah.

Mag-iisang taon na simula ng ikasal ang dalawa, pero wala pang malinaw na balita kung tanggap na ba ito ng mga magulang ni Sarah at kung may komunikasyon pa ba sila.

TOP 3- CATRIONA GRAY & CLINT BONDAD BREAK-UP:

Naging controversial ang break-up ng dalawa dahil sa mga isyu na lumabas after the break-up. Nandiyang may mga larawan daw nila na lumabas sa social media. At ang pagpa-file rin ng complaints ng Miss Universe 2018.

TOP 4- ANGEL LOCSIN RED TAGGING:

Umabot pa sa pakikipagkita ni Angel Locsin kay Lieutenant General Antonio Parlade Jr. dahil sa alegasyon na ang kapatid ng actress ay isang rebeldeng communist.

TOP 5- TV5, A2Z, NET 25:

Mga dati ng networks na biglang nag-ingay at bumuo ng mga bagong programa pagkatapos na mag-shutdown ang ABS-CBN. Nagkaalaman na rin kung sino ang mga dating Kapamilya na lumipat, gayundin ang ilang Kapuso.

At ang pagiging blocktimer ng ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z.

TOP 6- DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES BREAK-UP:

Wala kasing kaabog-abog, bigla na lang, hiwalay na pala. Kulang na lang halos ay kasal sa kanilang dalawa. Naging malapit sa isa’t-isa ang bawat pamilya. Maraming nag-akala na si Andrea na ang ititira ni Derek sa bagong bahay niya, pero katulad ng mga past relatiionships nito, nauwi rin sila sa hiwalayan.

Hanggang ngayon, patuloy na nakatatanggap ng mga pambabash si Derek mula sa mga netizens.

TOP 7: SHARON CUNETA & KC CONCEPCION FEUD:

Nagsimula ng Kapaskuhan nang isiwalat ni Sharon Cuneta ang hinanakit na hindi silang pamilya ang kasama ng anak. Hanggang sa magkaroon na ng lockdown at may mga lumabas na nga na problema ng mag-ina.

Pero nitong nakaraang Pasko lang, nakita nang dumating si KC sa bahay ng ina at nakasama sa noche buena.

TOP 8: BB GANDANGHARI REVELATION:

Sa series ng you tube vlog ni BB Gandanghari ay isiniwalat nito ang diumano’y affair niya sa isang sikat na actor. Itinago niya ito sa mga pangalan na “David at Jonathan.” Mabilis agad na ini-link ang naturang rebelasyon kay Piolo Pascual.

Nanatili namang tahimik lang si Piolo sa sinasabing expose.

TOP 9: SHOWBIZ WEDDING:

Kung kailan may pandemya, saka pa napakaraming ikinasal sa showbiz. Una na nga rito sina Matteo at Sarah at kabilang sa pre-pandemic sina Mikael Daez at Meagan Young, Joyce Pring at Juancho Trivino.

During pandemic naman sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez (na mula sa engrandeng wedding ay nauwi sa simpleng kasalan), Sheena Halili & Jeron Manzanero, Charee Pindeda & Martell Soledad, JayR at Mica Javier.

Forth Solomon & Grizelle Gratel, KZ Tandingan & TJ Monterde, Ina Feleo & Giacomo Gervasutti at si Roxanne Barcelo and husband.

TOP 10: BABY BOOM IN SHOWBIZ:

Taong 2020 rin kunsaan, napakaraming bagong showbiz babies na ipinanganak. Nandiyan ang anak nina Solenn Heusaff, Anne Curtis, Regine Tolentino, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Baron Geisler, Max Collins, Sheena Halili, Chariz Solomon, Billy Crawford, Iya Villania.

The post Tanaw-Balik: ABS-CBN shutdown, Sarah-Matteo wedding scandal patok sa 2020 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *