Talk show nina Kris, Lolit, Cristy nabasura na

Sina Lolit Solis at Cristy Fermin nga ang tinutukoy ni Kris Aquino na dapat ay makakasama niya sa isang talk show na sa online ng ABS-CBN mapapanood.

The post Talk show nina Kris, Lolit, Cristy nabasura na first appeared on Abante.

talk show nina kris lolit cristy nabasura na - Talk show nina Kris, Lolit, Cristy nabasura na
abante kristy - Talk show nina Kris, Lolit, Cristy nabasura na

Sina Lolit Solis at Cristy Fermin nga ang tinutukoy ni Kris Aquino na dapat ay makakasama niya sa isang talk show na sa online ng ABS-CBN mapapanood.

Love, love, love nga ang sabi ni Kris sa kanyang Instagram story tungkol sa kuwentong `yon.

Pero, heto nga, hindi na raw tuloy `yon. Nabasura na ang planong pagsasama nila.

“If it is not meant to be, it is not meant to be,” yan nga ang chika ni Tita Lolit.

Sa kuwento niya, sila raw ni Crist yang nagdesisyon na huwag na lang gawin ang talk show na `yon, na kasama rin pala si Mr. Fu. Sa simula raw, parang exciting ang idea na magsama ang madadaldal na babae na magpapasabog ng mga juicy na chismis.

“But in the end, iyon na nga, may mga bagay hanggang sa huli the thin thread that bind the idea naputol. In fairness, kahit na may attitude si Kris, mas mukhang mas matigas ang ulo namin ni Cristy.

“Noon una kasi ayaw sana ni Kris kasama si Mr. Fu dahil idea niya 3 babae lang, pero pumayag din siya magkaroon ng trial period at tignan kung mag-blend sa amin si Mr. Fu.

“Pangalawa, iyon technical run, pangatlo iyon swabbing. Lahat ng ginusto namin, ibinigay na, ok na sana, nang bigla naka-feel ng hindi comfortable si Cristy na magkaruon ng trial period si Mr. Fu.

“So Cristy decided not to do it. I will not do it pag hindi kasama sila Cristy at Mr. Fu. Pag hindi kasama sila Gorgy at Salve, as a group we are responsible for each other, one for all, all for one.”

Sabi pa ni Tita Lolit, maluwag sa loob niya na hindi matuloy ang talk show.

“For now, let it go. No regrets. If it is not meant to be, no matter how hard you push, walang mangyayari,” say pa niya.

Well, pang-Sunday pala sana ang show na `yon. Pero, sabi pa rin ni Tita Lolit, tuloy pa rin ang show na `yon ni Kris, tuwing Linggo, pero hindi na nga lang sila kasama.

The post Talk show nina Kris, Lolit, Cristy nabasura na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *