Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni Ariadna

Teka lang naman! Kaloka naman!

The post Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni Ariadna first appeared on Abante.

talakan nabuhay pia tinawag na multo ni ariadna - Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni Ariadna
Pia - Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni Ariadna

dondon sermino 10 - Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni AriadnaTeka lang naman! Kaloka naman!

After 5 years, nabuhay ang ‘laban’ sa pagitan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng kanyang first runner up na si Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Ang coronation night na ito ni Pia ang maituturing na pinaka-memorable, controversial sa lahat, na hindi na nga makakalimutan ng kahit sino, sa buong mundo, dahil na rin sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey.

Na sa halip na si Pia ang koronahan, o tawaging Miss Universe 2015, ay si Ariadna ang tinawag, at ilang minuto lang ang nakalipas, bigla ay kinorek niya ang lahat, binawi ang korona, sash, bulaklak kay Miss Colombia, at ibinigay sa rightful winner, si Miss Philippines nga, si Pia nga, ang tunay na Miss Universe.

Eh, paano ba nabuhay ang multo ng nakaraan?

Ito kasing si Ariadna, na-interview sa online platform ni Laura Gonzalez aka Laura Barjum! At ito nga ang mga nabanggit niya tungkol sa ‘pagkatalo’ niya kay Pia. Of course, sa salita nila yan sinabi ni Ariadna, at in-interpret na lang ng iba sa English, para mas maintindihan ng marami.

“I saw Pia twice in the group. She was like a ghost person. You see her once and you never see her again.

“Nobody would see her. I was among the Latino girls and beside Asians but even among Asians you couldn’t see her. I did see her much and when I saw her I didn’t think she was competent. Pia was rarely mingling with the other girls and couldn’t really see her qualities until finals and didn’t think she was going to win.”

Well, marami nga ang nagalit, lalo na ang mga Pinoy, dahil para ikumpara mo si Pia sa ‘ghost’ o ‘multo’, kaloka nga naman.

Pero, marami rin naman ang umintindi, na nagsasabing, baka ang gusto lang sabihin ni Ariadna, ay dahil hindi niya nakita na sa simula ay si Pia pala ang magiging mahigpit niyang kalaban, na hindi nga niya ito napaghandaan.

Pero ganun pa man, mas marami pa rin talaga ang galit. Tinawag na bitter, na move on na girl, si Ariadna. Na hello, enough na, limang taon na nga ang nakalipas, at hindi na kailanman magiging Miss Universe si Ariadna.

***

Miss Bulgaria sinopla si Miss Colombia

At natatandaan niyo pa ba si Miss Universe Bulgaria 2015 Radostina Todorova? Yes, siya nga `yung kitang-kita sa video na nagpu-push kay Pia na maglakad, pumunta sa harap ng stage, at kunin ang korona.

Noon pa man, bet na siya ng mga Pinoy dahil sa ipinakita niyang malasakit, pagmamahal kay Pia.

At muli, heto nga siya, na tulad ni Ariadna, nagbabalik, para muli, depensa, i-push pa rin si Pia, na iparamdam na ang pambato ng Pilipinas talaga ang tunay na reyna.

Sinagot nga ni Radostina ang mga paeklat ni Ariadna.

“Of course you didn’t see her! I remember you were always laughing at us, at our clothes and jewelries, at out walk and talks. You were only with the other Latinas looking down on us! I stand behind my words and that’s why we were also happy Pia won!

“You need to be beautiful inside and out, not only looking like a Victoria Secret model and act like the queen of England. You will never be, unless you start acting like a decent human being,” ang chika naman ni Radostina.

At mababasa sa Instagram niya ang suporta sa kanya ng mga Pinoy, at pati na rin ang pamba-bash sa kanya ng mga supporter ni Ariadna.

At heto pa ulit ang kasunod na mensahe niya.

“I don’t mean to offend anyone! But after 5 years still commenting on the winner this way… as if she was a nobody?

“A ghost?! I mean – to be a beautiful person is something you don’t do at the esthetician’s cabinet, it’s something you accomplish at school and at your community.

“I remember all of the beautiful women at this pageant! And I believe everybody will remember all of the beautiful women as we became FRIENDS and not just opponents! Because we were speaking, smiling and helping each other feel good about ourselves!

“We were there to embrace beauty. True beauty!

“And it has nothing to do with how you look but how you make people feel around you! That’s the beauty of being a queen!

“Remember it, because everybody can be a true beauty queen!

“It’s not the crown, it’s your heart.

“Please stay healthy and stop cyberbullying! We don’t need that. Especially in those hard times. Embrace love and peace!” pakusap pa niya.

Well…

The post Talakan nabuhay: Pia tinawag na ‘multo’ ni Ariadna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *