Talak ni Lovi kay Winwyn pinalakpakan

Pinagdebatehan, pinalakpakan ng mga netizen ang maanghang na talakan scene sa pagitan nina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa ‘I Can See You: High-Rise Lovers’.

The post Talak ni Lovi kay Winwyn pinalakpakan first appeared on Abante.

talak ni lovi kay winwyn pinalakpakan - Talak ni Lovi kay Winwyn pinalakpakan
I Can See You High Rise Lovers - Talak ni Lovi kay Winwyn pinalakpakan

Pinagdebatehan, pinalakpakan ng mga netizen ang maanghang na talakan scene sa pagitan nina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa ‘I Can See You: High-Rise Lovers’.

Maraming netizen ang humanga, naka-relate sa elevator scene ng serye kung saan kinumpronta ni Samantha (Lovi) si Ysabel (Winwyn), ang kabit ng kanyang asawang si Luis (Tom Rodriguez). Sa eksena ay pasimpleng pinuna ni Samantha ang lipstick shade ni Ysabel at sinabing ‘kabit red’ daw kung tawagin nila ito sa cosmetic company kung saan siya nagtatrabaho.

“That elevator scene!! yall!! Ramdam ko yung tindi ng emosyon sa salita pa lang. This confrontation scene doesn’t have to be violent or what, salita pa lang patalim na!” sey ng netizen.

“This is the 3rd episode of I Can See You, every week it offers fresh setting, realistic storyline but all the characters delivered real performances, can’t wait for the 4th week with even high expectations,” chika naman ng isa pang fan.

Dapat ding abangan ang misteryo at pag-ibig sa huling installment ng ‘I Can See You’ na ‘Truly. Madly. Deadly.’ tampok ang real-life couple na sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, kasama si Rhian Ramos ngayong Lunes (Oktubre 19) na sa GMA Telebabad. (Dondon Sermino)

The post Talak ni Lovi kay Winwyn pinalakpakan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *