‘Tala’ ni Sarah sinisi sa pagputok ng Taal

Itigil ang paggawa ng iba’t ibang meme, ang pakiusap ng mga netizen, sa mga taong walang magawa, kundi paglaruan pa rin ang iba’t ibang eksena sa ganitong sakuna.

tala ni sarah sinisi sa pagputok ng taal - ‘Tala’ ni Sarah sinisi sa pagputok ng Taal
tala x taal - ‘Tala’ ni Sarah sinisi sa pagputok ng Taal

Itigil ang paggawa ng iba’t ibang meme, ang pakiusap ng mga netizen, sa mga taong walang magawa, kundi paglaruan pa rin ang iba’t ibang eksena sa ganitong sakuna.

Ipinost nga ng mga netizen ang iba’t ibang photo na nagpapakita ng mga apektado, o mga biktima sa pagputok ng Taal volcano. Makikita ang mga bata na umiiyak, na ang iba ay halos naligo sa putik.

Tila gusto ngang makunsensiya ng mga mga netizen ang ibang tao na idinadaan pa rin sa biro, o paglalaro ang sitwasyon na ito.

May iba kasi na nag-post ng mga face mask, na sa halip na ‘yung pantakip nga sa ilong, ang ginagamit nila, o ipinapakita nila ay face mask na pampaganda, pampakinis, pampalabot ng skin. Face mask na ginagamit ng mga Korean.

Ang iba naman, face mask na gamit ang bra, at ang iba ay napkin. Iginigiit nila na puwede ring gamitin ‘yon na pangproteksiyon.

Pero ang isa sa nakakaloka ay ang pagsisi sa “Tala” ni Sarah Geronimo, ha! Dahil daw sa kakasayaw, kakakanta ng “Tala” ay nagalit ang Taal.

Kapag kinakanta raw kasi ang “Tala” ni Sarah ay parang “Taala, Taala…” Kaya raw ang feeling ng Bulkang Taal ay pinapakanta, o pinasasayaw rin siya.

Kaloka, ‘di ba? Mema nga ang iba. Memasabi lang talaga. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *