Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normal

Habang isinusulat namin ito, posibleng nakapanganak na si Ryza Cenon. Ipinasok na siya sa labor room ng St. Luke’s Hospital noong Friday, October 30 dahil due date na niyang talaga.

The post Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normal first appeared on Abante.

takot sa hospital bill ryza pinilit manganak ng normal - Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normal
Ryza Cenon - Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normal

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normalHabang isinusulat namin ito, posibleng nakapanganak na si Ryza Cenon. Ipinasok na siya sa labor room ng St. Luke’s Hospital noong Friday, October 30 dahil due date na niyang talaga.

Habang nagli-labor ito, nakakapag-post pa rin sa kanyang Instagram at Facebook account. Nakaka-private message pa rin naman siya.

Ang huling post ni Ryza ay nagpapatawa pa ito na, “Push mo yan girl! Ang bill!!! Kaya IPUSH MO!!!”

Ibig niyang sabihin, kailangang maging normal ang delivery niya dahil mahal ang ma-caesarean. Pero siyempre, alam naming joke lang ni Ryza ang pera dahil super can afford naman ito at lalo na ang Tatay ng anak niya na si Miguel Cruz.

Hindi namin naitanong, pero posibleng induced labor na ang ginawa sa kanya na after ilang oras, ang huling post niya na, “Ngayon nararamdaman ko na yung sakit pero ok lang, kaya kong tiisin yung sakit. E wala ganun talaga kung para sa taong mahal mo naman e. Tagal naman lumambot, humuhugot na nga ako e.”

Baby boy ang magiging anak nina Ryza at ng partner niya. At documented ang mga preparations nila rito. Mas doble rin ang mga pag-iingat nila lalo na nga at may COVID-19 pa rin.

Hindi pa man pinapanganak, tinatawag na nila ang anak sa pangalan nito. “Night” ang napili nilang ipangalan o nickname ng baby. Ang dahilan, pareho raw kasi sila ni Miguel na nightime ang favorite time of the day.

Congrats Ryza and Miguel!

***

Angelika binigyan ng bahay mga kapatid

Kung walang pandemic, ang another milestone sana to celebrate ng bongga ang kaarawan ngayon ng actress at Kapitana ng Barangay na si Angelika dela Cruz.

Ika-40th birthday niya noong October 29, pero dahil sa pandemic, hindi pa rin allowed ang malakihang party. Bukod dito, sabi rin niya nang makausap namin, “Hindi rin naman ako masaya.”

Ibig niyang sabihin, hindi rin naman daw siya magiging masaya talaga dahil ito ang birthday niya na hindi sila kumpletong pamilya. Na during kasagsagan ng lock down, pumanaw ang ama niya.

Eh sey nga niya, “Alam niyo naman ako, Daddy’s Girl talaga.”

Pero ang maganda kay Angelika, lalo na ngayon na wala na ang Daddy Ernie nila, siya talaga ang tumatayong parang “padre de familia” na sa kanila. Bilang the ate that she is sa kapatid na si Mica dela Cruz at gayundin sa isa pa niyang kapatid na si Edward, pinaninindigan talaga ni Angelika ang pagiging ate/tatay sa kanila.

Sinigurado niya na sa pagkawala ng ama, hindi mapapabayaan ang mga kapatid. Kahit may mga trabaho at kumikita rin ang mga ito, binigay niya raw yung mga puwedeng mana ng mga ito sa ama nila. Gayundin ang bahay na ipinatayo niya sa Malabon, masaya siya na nandoon ang mga kapatid at ina nila.

***

Alden, Julie walang atrasan kay bagyong Rolly

Hindi mapipigilan ng banta ng sinasabing pinakamalakas na bagyo raw ngayong taon na si Rolly, ang espesyal na magaganap sa All-Out Sundays ngayong Linggo.

Doble at engrandeng selebrasyon ang naghihintay sa viewers ng musical-comedy-variety show na ‘All-Out Sundays’ dahil bukod sa masquerade ball party na dadaluhan ng bigating Kapuso stars ay may bagong artist din na iwe-welcome ang AyOS barkada!

Makisaya sa masquerade ball-inspired opening number kasama sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Derrick Monasterio, at Paul Salas.

Special guests din sina Rhian Ramos, Winwyn and Vito Marquez, at Anthony Rosaldo sa selebrasyon.

Makiki-join din sa Halloween episode sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Shayne Sava, at Kim de Leon sa kanilang performance ng hit song na ‘Thriller’.

May bago ring artist na ipakikilala sa AOS.

May tribute rin ang mahuhusay na Kapuso singers na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Maricris Garcia para sa magigiting na mga frontliner.

The post Takot sa hospital bill: Ryza pinilit manganak ng normal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *