Taken, afam, older: Julia inamin sa TikTok relasyon kay Gerald

Sa Tiktok challenge lang pala mabubuking ang relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Sa TikTok challenge lang pala aamin si Julia na magdyowa na sila ni Gerald.

The post Taken, afam, older: Julia inamin sa TikTok relasyon kay Gerald first appeared on Abante.

taken afam older julia inamin sa tiktok relasyon kay gerald - Taken, afam, older: Julia inamin sa TikTok relasyon kay Gerald
abante gerald julia - Taken, afam, older: Julia inamin sa TikTok relasyon kay Gerald

Sa Tiktok challenge lang pala mabubuking ang relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Sa TikTok challenge lang pala aamin si Julia na magdyowa na sila ni Gerald.

Well, nakasama nga ni Julia ang mga kaibigan niya sa loob at laban ng showbiz, tulad nina Chie Filomeno, Issa Pressman, Aeriel Garcia, Shamee Suigi, Bianca Pauline, Keiko Nakajima.

“Reunited with my girls,” ang caption ni Julia sa photo nila.

At sa pagsasama-sama nga nila ay sumabak sila sa Tiktok challenge na usong-uso ngayon. Ito nga `yung may tanong at ang sagot ay pagpipilian lang nila kung pupunta sila sa kanan o sa kaliwa.

Para nga itong Pera o Bayong na ang sagot ay nasa pera o bayong na tatapatan mo.

Anyway, unang tanong nga, ‘Single’ o ‘Taken’ na ba sila?

At si Julia ang huling tumapat, at yes, sa ‘Taken’ siya nagpunta.

Pangalawang tanong, ‘Pinoy’ o ‘Afam’ ba, at again si Julia ang huling tumapat, at yes na naman, sa ‘Afam’ nga siya tumapat o nagpunta.

Eh, di ba? Maituturing na ‘afam’ naman talaga si Gerald, o Fil-Am, dahil ang ama niya ay Amerikano, at ang ina ay Pinay.

At ang isa pang tanong, ‘Older’ o ‘Younger’ at ang tinapatan nga ni Julia, kasama ang dalawa pang kaibigan ay ang ‘Older’ na totoong-totoo naman, dahil mas matanda naman talaga si Gerald kay Julia.

Si Julia ay magtu-24 pa lang sa March 10, 2021. Samantalang si Gerald ay magtu-32 na sa March 7.

Well, hindi naman siguro magsisinungaling si Julia sa mga kaibigan niya, ‘di ba? Hindi naman siguro palalabasin na challenge lang `yon at joke, joke lang `yon.

Well, mukhang inunti-unti ni Julia ang pag-amin sa relasyon nila ni Gerald. May mga naglabasang photo nga na magkasama sila ni Gerald at kasama rin ang ibang fan, na sabi ay sa Baguio kinunan.

May inilabas din na photo si Julia ng aso na kasama niya sa loob ng kotse at nahagip ang braso ng kasama niyang lalake, na ang hinala ng mga fan ay si Gerald `yon.

Well, it’s about time na rin naman na aminin na nila ang relasyon, di ba? Mahirap `yung magtago nang magtago. (Dondon Sermino)

The post Taken, afam, older: Julia inamin sa TikTok relasyon kay Gerald first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *