Sylvia, Arjo kinopya sa Turkey

Ang bongga nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ha! Imagine, ginagaya na sila ng mga artista sa ibang bansa!

The post Sylvia, Arjo kinopya sa Turkey first appeared on Abante.

sylvia arjo kinopya sa turkey - Sylvia, Arjo kinopya sa Turkey
Atayde - Sylvia, Arjo kinopya sa Turkey

Ang bongga nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ha! Imagine, ginagaya na sila ng mga artista sa ibang bansa!

Well, patuloy ang tagumpay ng ABS-CBN sa ibang bansa dahil sumabak na sa primetime TV sa Turkey ang adaptation ng “Hanggang Saan,” nina Sylvia at Arjo, na may titulong “A Mother’s Guilt,” tampok ang mga sikat na artista sa nasabing bansa.

Ito ang kauna-unahang Pinoy TV series na nagkaroon ng adaptation sa Turkey. Nagsimula itong mapanood sa kilalang TV channel na Kanal D noong Nov. 21.

Kasama ng ABS-CBN ang isa sa mga nangungunang production company sa Turkey, ang Limon Yapim, sa pagprodyus ng “A Mother’s Guilt.”

Para kay Macie Imperial, na head ng ABS-CBN International Distribution, isang karangalan hindi lamang para sa ABS-CBN ang “A Mother’s Guilt” kundi pati na rin sa Pilipinas dahil ito ang first original Philippine series na naging palabas sa Turkey.

Ngayong 2020 ay 16 sa mga serye ng Dos ang nagsimulang ipalabas sa Africa, Asia, at Latin America.

Sa mga nagdaang taon, nakapagdala na ang ABS-CBN ng mga programa nito sa 50 bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution. (Dondon Sermino)

The post Sylvia, Arjo kinopya sa Turkey first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *