Susunod kina Vilma, Lucy: Heart naghahanda na sa politika?

Ayaw tantanan si Heart Evangelista ng ispekulasyon na kaya sobrang aktibo siya ngayon sa probinsya ng Sorsogon kung saan governor ang asawa niyang si Chiz Escudero, ay dahil plano rin niyang pasukin ang politika.

susunod kina vilma lucy heart naghahanda na sa politika - Susunod kina Vilma, Lucy: Heart naghahanda na sa politika?
heart 1 - Susunod kina Vilma, Lucy: Heart naghahanda na sa politika?

Ayaw tantanan si Heart Evangelista ng ispekulasyon na kaya sobrang aktibo siya ngayon sa probinsya ng Sorsogon kung saan governor ang asawa niyang si Chiz Escudero, ay dahil plano rin niyang pasukin ang politika.

Marami nga ang humahanga sa Kapuso actress sa patuloy niyang pamamahagi ng tulong sa Sorsogon. Aktibo rin si Heart sa pagpo-promote ng iba’t ibang local products ng Sorsogon.

Kaya ang mga netizen ay nagtatanong na sa aktres kung balak ba niyang pasukin ang politika. Na sinagot naman ni Heart ng simple at diretso.

“Politics is not for me. I can help without that kind of power.”

Well, noon pa man ay sinasabi na ni Heart na wala siyang balak pasukin ang politika. Pero, tila hindi agad-agad naniniwala ang mga tao.

May pakiramdam sila na bagay kay Heart ang politika, dahil mahusay raw itong makisalamuha sa mga tao.

Well, marami na rin naman ang nagsabi na wala silang balak pasukin ang politika, pero sa huli ay hindi rin nakatanggi sa kaway ng public service.

At malay natin, biglang magbago ang ihip ng hangin at makumbinse si Heart na maging politiko, tulad nina Cong. Lucy Torres Gomez, at Cong. Vilma Santos-Recto, di ba? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *