Susundan si Kathryn sa HK:

Susundan si Kathryn sa HK:

Kung walang mangyayaring aberya, ngayon ang alis nina Kathryn Bernardo at Alden Richards papuntang Hong Kong, para sa pagsasamahan nilang pelikula.

The post Susundan si Kathryn sa HK: appeared first on Abante News Online.

susundan si kathryn sa hk - Susundan si Kathryn sa HK:
daniel 1 - Susundan si Kathryn sa HK:

daniel walang tiwala kay alden?

Kung walang mangyayaring aberya, ngayon ang alis nina Kathryn Bernardo at Alden Richards papuntang Hong Kong, para sa pagsasamahan nilang pelikula.

Pero, hindi pa man nakakaalis si Kathryn, ramdam na ramdam na niya ang lungkot, dahil nga isang buwan siyang mawawala sa Pilipinas. At siyempre, isa sa mami-miss niya ay ang boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Sabi nga, ngayon pa lang ay feeling sepanx (separation anxiety) na si Kathryn, at ganun din siyempre si Daniel. Pero, papayag ba naman si Daniel na hindi makasama nang matagal ang kanyang dyowa?
Eh, nu’ng nagsyuting nga lang sa Ormoc si Kathryn, kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, hindi nakatiis si Daniel, at sinundan talaga niya ito. So, wala naman pinagkaiba kung sundan niya ulit ito sa Hong Kong.

“Nakaka-sepanx na kami agad ni Daniel.­ Pero sabi niya sa akin, bibisitahin daw niya ako doon. He’s very supportive,” sabi ni Kathryn.

Super suportado nga raw ni Daniel ang pelikulang nila ni Alden.

Nabasa na raw ni Kathryn ang script ng movie nila ni Alden, at sobrang ganda raw.

Siyanga pala, naglabasan na naman ang mga sexy photo ni Kathryn sa social media, na lutang na lutang ang kanyang kaseksihan ha. Habang tumatagal, lalo ngang lumalabas ang sex appeal ni Kathryn.

The post Susundan si Kathryn sa HK: appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *