Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’

Muling nagsama-sama sa isang simpleng selebrasyon ang malalaking artista na kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Ang bongga lang makita na sa selebrasyon nila ng ika-limang taon sa telebisyon ay muling nagkita-kita ang mga big boss ng ABS-CBN, sina Mr. Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Martin Lopez, at siyempre pati na ang mga staff, direktor, at iba pa.

The post Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’ first appeared on Abante.

susan coco mga big boss ng dos nagsama sa anibersaryo ng ang probinsyano - Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’
abante coco 1 - Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’

dondon sermino 8 - Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’Muling nagsama-sama sa isang simpleng selebrasyon ang malalaking artista na kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Ang bongga lang makita na sa selebrasyon nila ng ika-limang taon sa telebisyon ay muling nagkita-kita ang mga big boss ng ABS-CBN, sina Mr. Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Martin Lopez, at siyempre pati na ang mga staff, direktor, at iba pa.

Kaaliw makita na nakisaya pa rin sa selebrasyon sina Susan Roces, Michael de Mesa, Jaime Fabregas, John Arcilla, Tirso Cruz III, Lorna Tolentino, Rowell Santiago, Yassi Pressman, Coco at Richard.

Well, kung bukas pa ang ABS-CBN, at walang pandemya, sigurado ako na isang bonggang selebrasyon ito, na may bonggang handaan, sa isang bonggang venue, at sure ako na imbitado ang mga showbiz media, at puno ng kagalakan ang paligid.

Well, sa ngayon, nagkasya na muna ang lahat sa virtual celebration, at masaya rin naman, na kahit papaano ay nakakagawa ng paraan para magsama-sama ang lahat.

Kathryn gusto nang umuwi sa Cabanatuan

Nami-miss na ni Kathryn Bernardo ang bahay niya sa Cabanatuan, pero dahil sa trabaho at travel restrictions ay hindi na siya nakakauwi nitong nakaraang mga buwan.

“Nitong past few months nung start ng lockdown, hindi na talaga ako nakakauwi kahit gustong-gusto kong umuwi at miss na miss ko na yung Cabanatuan at saka yung house namin. Medyo nakakalungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming work na dumadating. Si Papa na lang ang laging lumuluwas to meet us dito sa Manila dahil mabilis na ang byahe ngayon pauwi at papunta ng Nueva Ecija,” kuwento ni Kathryn.

Tulad ng maraming Pilipino ay nag-aalala rin si Kathryn sa kanyang kalusugan. Bukod pa dito ay ang pag-aalala sa mga kababayan niyang sa Nueva Ecija na apektado ng pandemya.

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones. As I always say, di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kayang lampasan. But we have to take care of our health, asset po natin yan sa panahong ito.”

Bilang endorser ng mga brands ng San Miguel Corporation na tulad ng Magnolia Ice Cream, San Mig Coffee Crema White, at Nutrichunks, natutuwa siya na magtatayo na ang kumpanya ng Manila International Airport at economic zone sa katabing probinsya na Bulacan. Naniniwala siya na makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa at maging sa Nueva Ecija.

“Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families. If possible nga na magawa na yan agad so we can already attract businesses and give people jobs. A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” sey ni Kathryn.

Maliban dito ay makakatulong rin ito sa mga negosyante at magsasaka na gumagawa ng pagkain at raw materials.

“If you need to transport products quickly or perishable yung goods mo, big advantage yung magkaroon ng accessible na airport like the one sa Bulacan. I’m sure this is a positive sign for many businesses in Nueva Ecija and even as far as the north like Baguio, Pangasinan, and Ilocos. Mahirap isipin now because a lot of businesses are struggling, but when the time comes na matapos na yung pandemic, then the airport will be ready and we can start and help a lot of people recover.”

Aniya, mabubuksan rin ang Luzon, kabilang ang kanyang probinsya sa mga turista, lalu-lalong na sa mga taga-ibang bansa dahil mas madali nang makakabiyahe.

Sa gitna ng pademya, tuloy tuloy pa rin ang trabaho para kay Kathryn. Kailangan nga lang ng ibayong pag-iingat kaya’t nasa isang lugar lang sila at bawal ang outside contact habang may shooting o taping.

The post Susan, Coco, mga big boss ng Dos, nagsama sa anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *