Super Tekla natakam sa kaseksihan ni Jennylyn

Umaasa si Super Tekla na tatangkilikin ng maraming tao ang family comedy na pinagbibidahan niya na Kiko En Lala. Wholesome comedy raw ang pelikula nila na puwede sa buong pamilya.

super tekla natakam sa kaseksihan ni jennylyn - Super Tekla natakam sa kaseksihan ni Jennylyn
super tekla 1 - Super Tekla natakam sa kaseksihan ni Jennylyn

Umaasa si Super Tekla na tatangkilikin ng maraming tao ang family comedy na pinagbibidahan niya na Kiko En Lala. Wholesome comedy raw ang pelikula nila na puwede sa buong pamilya.

“Goal naman namin dito ni Direk Adolf (Alix, Jr.) ay ang magpatawa at magbigay ng saya sa maraming tao. Dalawa ang characters ko rito bilang conjoined twins, isang lalake na GGSS (Guwapung-Guwapo Sa Sarili) at isang bading na super-beki sa lahat ng bagay.

“Ang comedy rito ay ano ang mangyayari sa kanila kapag napaghiwalay na sila?”

Hindi nga worried si Tekla na makakasabay ng pelikula niya on September 25 ay ang isang comedy film din na #Jowable na bida si Kim Molina.

Sey naman ni Tekla na iba naman daw ang movie ni Kim dahil hindi raw iyon puwede sa mga bata.

“Napanood ko ang trailer nila. Yung mga eksena kasi hindi puwede sa mga bata. Hindi pang-GP (General Patronage). May mga dialogues kasi na hindi puwede sa mga bata.

“‘Yun sa amin naman, siniguro ni Direk Adolf na pambata ang movie kaya maingat ang mga dialogues namin. Hindi puwedeng balahuraan dahil ang target audience namin ay GP,” diin pa ni Tekla.

Kapwa hindi nakapag-guest ang mga katrabaho ni Tekla na sina Donita Nose at Boobay sa launching film niya. Pareho raw kasing mahirap hanapan ng schedule ang dalawa.

“Si Donita kasi, araw-araw may raket. Kaya ang hirap makasingit sa kanya. Lagi rin siyang may show kunsaan-saan. Kaya hindi na siya natuloy.

“Si Boobay naman, wala ring free schedule. Marami siyang trabaho. Busy talaga siya. Kaya hindi na rin nakapag-guest.

“Okey lang din kasi kasama naman sa cast sina Divine Tetay, Jo Berry, Kim Domingo, Derrick Monasterio at si Ms. Ai-Ai delas Alas. Pumayag na mag-guest si Ms. Ai kaya sobra akong natuwa.”

Bukod sa Kiko En Lala, kasama rin si Tekla sa Metro Manila Film Festival entry na Tripol Trobol na pinagbibidahan nila Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Natuwa nga si Tekla na nakasama niya ang matagal na niyang crush sa showbiz na si Jennylyn.

“Ang hot niya, ‘di ba? Mabait, maganda at sexy. Matagal ko nang crush yang si Jen. Iba kasi ang dating niya. Ang lakas ng sex appeal,” ngiti pa ni Tekla. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *