Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim, Derrick

Espesyal para sa Kapuso comedian na si Super Tekla ang kanyang pelikula na “Kiko En Lala,” sa ilalim ng Backyard Productions.

The post Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim, Derrick appeared first on Abante News Online.

super tekla makikipaglaplapan kina kim derrick - Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim, Derrick
Abante 2019 Kiko en Lela - Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim, Derrick

Espesyal para sa Kapuso comedian na si Super Tekla ang kanyang pelikula na “Kiko En Lala,” sa ilalim ng Backyard Productions. Bukod kasi na ito ang kanyang first movie break, hindi lang isa kundi dalawang karakter pa ang kanyang gagampanan.

“Si Lala ‘yung side na fashionista, masayahin, mapangarap, basta tipikal na gay na maganda. Si Kiko naman, ‘yung guwapong-guwapo sa sarili niya,” masayang kuwento ni Tekla.

At siyempre, dahil dalawa ang kanyang karakter, dalawa rin ang makakapareha niya sa pelikula. Walang iba kundi ang Kapuso babe na si Kim Domingo at Kapuso hunk na si Derrick Monasterio. Ang tanong, may kissing scene kaya si Super Tekla kina Derrick at Kim? At kanino kaya siya mas mag-i-enjoy? Hahahahahahaha!

Makakasama rin ni Tekla sa “Kiko en Lala” sina Ai-Ai delas Alas, Tetay, Kiray Celis at Jo Berry, na malapit nang mapanood sa mga sinehan nationwide. (Dondon Sermino)

The post Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim, Derrick appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *