Super talino: Bimby humakot ng mga award sa school

Grabe lang talaga si Bimby, ha! Na kahit si Kris Aquino, saludo sa bunso niya.

The post Super talino: Bimby humakot ng mga award sa school first appeared on Abante.

super talino bimby humakot ng mga award sa school - Super talino: Bimby humakot ng mga award sa school
Bimby Aquino - Super talino: Bimby humakot ng mga award sa school

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 2 300x180 - Super talino: Bimby humakot ng mga award sa schoolGrabe lang talaga si Bimby, ha! Na kahit si Kris Aquino, saludo sa bunso niya.

Eh kasi naman, hinakot lang naman ni Bimby ang halos lahat ng awards sa school niya, ha! Tuwang-tuwa nga si Kris na bukod sa pagiging first honor nito, sangkatutak na ‘best in ganito, best in ganiyan’ ang nasungkit nito.

“We got his grades, and he’s first honors! And he got 5 different awards. Yes! So, now he’s an 8th grader. That’s why ginawan ko ng paraan talaga. Ang feeling ko, wag niyong pagbawalan mag-video games, for as long as nag-aaral mabuti,” sabi ni Kris, na ipinakita nga ang mga gadget na iniregalo niya kay Bimby.

Naniniwala si Kris na mas nai-encourage ang bata na mag-aral kapag hindi siya pinagbabawalan sa video games.

“And also stress reliever,” sabi naman ni Bimby.

“Kasi, it transport you to another world, another time, a virtual world,” giit ni Bimby.

Bukod nga sa ‘first honors’ ay binigyan din si Bimby ng ‘courage award’ na dahil daw sa tamang pag-handle nito sa cyber-bullying, na hindi nga nito pinatulan ang mga nambabastos sa kanya.

Tumanggap din si Bimby ng award sa ‘arts’ and ‘performances’, at may best in math, pati na sa kahusayan sa computer.

Tumanggap din si Bimby ng award tungkol sa ‘values’ na medyo nagpangiti kay Kris.

“Baka sabihin nila, ‘what values ang tinuturo ni Kris?’ So, huwag na nating sabihin. Hahahahaha!” sabi na lang ni Kris.

Anyway, sabi nga ng mga netizen, manang-mana si Bimby kay Kris.

***

Maxine ayaw nang pakawalan ni Timmy

Sa unang tingin, iisipin mo ngang inalok ng kasal ni Timmy Llana si Maxine Medina, dahil sa suot na singing na ipinakita ng beauty queen sa Instgram.

Ang mga kapwa beauty queen nga niya ay nagsimula na raw magsulat ng ‘congratulations’ sa IG wall niya.

Pero, hindi raw `yon engagement ring.

“I thought it was just a Christmas gift but this guy… haaaaay. I didn’t honestly expect him to give his speech before he put the ring on me — “I promise to take care of you and will love you forever” (its a promise ring) but I’m so much grateful and speechless when he said those words I love to hear I love you! @timmyllana.”

So, promise ring nga, pero gayun pa man, wala na ring kawala si Maxine sa dyowa niya, na nagsabi ngang mamahalin siya habangbuhay.

The post Super talino: Bimby humakot ng mga award sa school first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *