Super lambingan sa Palawan: Katrina nahuhumaling sa afam

Mukhang ready na ulit si Katrina Halili na umibig muli dahil sa kanyang pinost na black and white photo via Instagram, makikita ang Kapuso actress na naka-piggyback ride sa likod ng isang misteryosong lalake.

The post Super lambingan sa Palawan: Katrina nahuhumaling sa afam appeared first on Abante News Online.

super lambingan sa palawan katrina nahuhumaling sa afam - Super lambingan sa Palawan: Katrina nahuhumaling sa afam
Abante 2019 Katrina Halili - Super lambingan sa Palawan: Katrina nahuhumaling sa afam

Mukhang ready na ulit si Katrina Halili na umibig muli dahil sa kanyang pinost na black and white photo via Instagram, makikita ang Kapuso actress na naka-piggyback ride sa likod ng isang misteryosong lalake.

Obviously ay nasa isang resort sila dahil naka-bathing suit si Katrina at naka-denim shorts. Hindi naman makita ang hitsura ng lalakeng kinababaliwan ngayon ni Katrina.

“One day, someone will walk into your life and make you see why it never worked out with anyone else,” caption pa niya sa IG.

Ilang taong iniwasan ni Katrina ang ma-involve sa mga lalake simula noong maghiwalay sila ng ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence. Bagama’t friends naman daw sila ni Kris, malayo raw na magkabalikan sila nito dahil may ibang girlfriend na raw ito.

Pero may ilang netizen na humuhula na baka si Kris din daw ang lalake na kasama ni Katrina dahil pareho raw ng built at shape ng ulo. Wala naman daw masama kung magkabalikan ang dalawa dahil meron naman silang anak na si Katie.

Meron namang nagsabi na baka ang guy ay ‘yung foreigner na nakasama nila Katrina noong magbakasyon ito kasama ang ilang mga kaibigan sa El Nido, Palawan. Magkatabi kasi sila Katrina at ang naturang guy sa isang boat ride noong mag-island hopping sila.

Anyway, maraming happy para kay Katrina dahil nakahanap na ito ng lalakeng magiging inspirasyon niya at magpapainit sa kanya ngayong summer. (Ruel Mendoza)

The post Super lambingan sa Palawan: Katrina nahuhumaling sa afam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *