Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris Aquino

Iritada ang mga fan ni Kris Aquino kay Vice Ganda. Dahil feeling nila, binalewala na ni Vice ang friendship nila ni Kris.

The post Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris Aquino first appeared on Abante.

super chika kina korina james vice ganda binalewala si kris aquino - Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris Aquino
Vice Ganda 2 - Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris Aquino

dondon sermino 10 - Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris AquinoIritada ang mga fan ni Kris Aquino kay Vice Ganda. Dahil feeling nila, binalewala na ni Vice ang friendship nila ni Kris.

Di ba nga, ‘asawa’ pa ang tawagan nila noon na madalas silang magkasama sa ABS-CBN?

Naloloka kasi ang mga fan sa mga hakbang ni Vice ngayon sa kanyang Vice Ganda Network. Hindi nila bet na ang mga ‘kaaway’ ni Kris ang madalas nitong ibinibida sa kanyang channel.

Una na nga raw si Korina Sanchez na oo nga, nakasamaan ng loob ni Kris, dahil sa ginawa nitong pag-interview kay James Yap noon.

At heto nga, si James Yap ang huling ininterbyu ni Vice sa kanyang channel, na alam naman ng lahat kung ano ang sitwasyon nito kay Tetay.

Feeling ng mga fan, binalewala na ni Vice ang magandang samahan nila ni Kris.

Well, abangan na lang natin kung may magaganap nga bang ‘balikan ng kandila’ sa dalawa. O mas mananaig pa rin ang ‘pagmamahalan’ nila sa isa’t isa.

Pero, sa panahon ngayon, dahil sa virus, sa tingin ko lang, mas iniisip ng mga tao ang kalusugan, kesa problema sa ibang tao.

‘Pamana’ ni Edu naagaw ni Robi kay Luis

Sa halip na ipamana kay Luis Manzano (dahil ang tatay niyang si Edu Manzano) ang huling nag-host ng Game KNB sa ABS-CBN, kay Robi Domingo ibinigay ang pamamahala rito.

Ang bongga nga dahil mula kay Kris Aquino, napunta kay Edu, at ngayon ay si Robi naman. Ganun katindi ang level ni Robi, na sabi nga niya, hindi niya makakalimutan na nanalo rin siya noon sa naturang game show.

Anyway, maaari na ngang sumali ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa bagong “Game KNB?!” dahil mapapanood na ang tinaguriang pambansang game show sa Kumu app at sa Jeepney TV simula Lunes (Oktubre 12).

Handa nang hamunin ng bagong interactive game show ang kaalaman ng mga Pinoy na pwedeng salihan gamit ang mobile phones sa pamamagitan ng pagsali sa livestream nito sa Kumu (@gknb) at pagsagot sa trivia questions.

Maaari ring makisali ang local viewers at manalo ng papremyo habang nanonood sa cable channel na Jeepney TV sa pagsagot nila ng #TeamBahay Question of the Day gamit ang link na makikita sa Jeepney TV Facebook page.

Naging consistent top-rating program ang “Game KNB” na umere sa ABS-CBN sa loob ng walong taon.

Glaiza nawala depresyon sa surfing

Ibinahagi ni Glaiza de Castro ang mga natutunan niya nang manirahan siya sa Baler simula Marso. Kahit pa malayo sa kanyang nakasanayang city life, super enjoy at marami raw realizations si Glaiza sa kanyang buhay-probinsya kasama ang pamilya.

Isa sa bagong hobby ng aktres ang surfing na malaki raw ang naitutulong hindi lang sa kanyang page-ehersisyo pati na rin sa kanyang mental health.

“Hindi lang kami nakakapag-ehersisyo kundi nababawasan din kahit paano ang anxiety at depresyon dulot ng pandemya,” sey niya.

Nagpapasalamat din si Glaiza sa mga nakakasabay niyang locals na nagturo sa kanya ng surfing tips at kahalagahan ng pagrespeto sa karagatan.

“Pero una ko talagang natutunan dito ay ang respeto. Respeto sa dagat at sa mga nasa dagat. Kaya sa lahat po ng nga nakakasabay ko na locals, salamat sa mga tips niyo, di ko man alam mga pangalan ng iba sa inyo; at syempre sa mga naging regular ko nang kasama, salamat sa inspirasyon.”

Mapapanood nga pala si Glaiza at ilang bigating Kapuso stars sa star-studded episode ng ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (October 11), sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7!

The post Super chika kina Korina, James: Vice Ganda ‘binalewala’ si Kris Aquino first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *