Sunshine nakipagbalikan kay Timothy

Masayang-masaya si Sunshine Dizon sa kinalabasan ng pinaghirapan nila sa Sang’gres Productions, ang kauna-unahang original Pinoy iflix movie na “Mystified.”

The post Sunshine nakipagbalikan kay Timothy appeared first on Abante News Online.

sunshine nakipagbalikan kay timothy - Sunshine nakipagbalikan kay Timothy
sunshinedizon - Sunshine nakipagbalikan kay Timothy

Masayang-masaya si Sunshine Dizon sa kinalabasan ng pinaghirapan nila sa Sang’gres Productions, ang kauna-unahang original Pinoy iflix movie na “Mystified.”

“We’re very happy, nakita na namin ang kinalabasan ng aming pinagharapan. Very happy, perfect for all ages at mapapanood na po ito sa iflix simula ngayong March 29.”

High hope raw sila sa “Mystified” na maipapalabas sa mahigit 20 countries. Kung magiging maganda raw ang reception sa debut project nila nina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle, may chance for a 2nd and 3rd movie na gumawa pa sila for iflix.

Sabi nga namin kay Sunshine, puro magaganda ang nangyayari sa career niya ngayon. Bukod sa “Mystified,” kapapanalo lang din niya ng Best Supporting Actress sa GEMS at maganda rin ang rating ng afternoon prime nila na “Inagaw na Bituin,” pero kasabay nito, biglang naitringa silang mag-asawa dahil sa reklamo ng dati nilang maid.

Nagawa na rin naman itong sagutin ng mister niya at siya naman ay nagbigay rin ng ilang komento sa kanyang Instagram account.

Pero dahil sa pangyayaring ito, ang daming nagtatanong kung magkasama raw ba sila sa bahay ng nakahiwalayang mister o nag­kabalikan na nga.

Sabi naman ni Sunshine, “I’d rather not talk na about my personal life. It’s so unfair na of us public figure that we share part of our life and parang they feel, they have the right to insult you or makialam sa buhay mo.”

‘Yun na!

Mark, Winwyn gimik lang ang hiwalayan
 
“Hindi naman ako ganung klase ng tao, grabe naman,” ang reaksyon ni Mark Herras nang sabihin namin na may ilang netizens na hindi naniniwalang nag-break talaga sila ni Winwyn Marquez.

Sey rin namin, kahit kami may duda factor noong aminin ni Winwyn na break na nga sila.

“Never naman tayong gumawa ng mga ganoong isyu para mapag-usapan.”

At biro pa niya, “Gumawa na lang tayo ng video para mapag-usapan. Hahaha!”

Kung tutuusin, maliliit na bagay lang daw minsan ang napag-aawayan nila, dumating na raw sa puntong tila hindi na healthy ang relationship nila.

At sabi naman ni Mark, ito naman daw ang break-up na mutual nilang napagdesisyunan at maa­yos silang naghiwalay.

Nilinaw rin niya na not because gusto na niyang magpakasal at si Winwyn ay hindi pa kaya rin sila naghiwalay. Natatandaan kasi namin bago pa man manalo si Winwyn bilang Reina Hispanoamericana, nagpapaha­yag na siya na tila gusto na rin niyang pakasalan ito.

“Palagi ko lang sinasabi ‘yun, but of course, whenever she’s ready at that time, hindi naman tayo para mamilit.”

Kasama nga si Mark ngayon sa bagong afternoon prime ng GMA-7 na “Bihag” na magsisimula ng mapanood sa Lunes bilang kapalit ng “My Special Tatay.”

The post Sunshine nakipagbalikan kay Timothy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *