Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star

Ayaw pahuli sa mga millennial, mga beauty queen, o mga artistang nagpapaseksi, ng Kapuso star na si Sunshine Dizon. Nagbalandra rin siya sa Instagram sexy photo niya suot ang one piece black bikini na kuha sa Bali, Indonesia.

The post Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star appeared first on Abante News Online.

sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star - Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star
Sunshine Dizon - Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial starAyaw pahuli sa mga millennial, mga beauty queen, o mga artistang nagpapaseksi, ng Kapuso star na si Sunshine Dizon. Nagbalandra rin siya sa Instagram sexy photo niya suot ang one piece black bikini na kuha sa Bali, Indonesia.

Pinahanga ni Sunshine ang mga  follower niya sa larawan dahil in-good shape pa rin ang pigura nito kahit ilan na ang mga anak niya.

Ipinapakita ni Sunshine na pangbida pa rin ang kanyang kaseksihan. Kinukulit tuloy si Sunshine ng kanyang mga supporter kung ano ang sikreto niya sa pagpapapayat.

Jake, Ruru, Jak, Derrick, Marco sanay na sanay mang-akit ng mga bading

Kung naglipana sa social media ang mga star na walang habas na maglantad ng kanilang mga bikini body, hindi naman nalalayo sa genre na ito ang mga male star. Nagkalat naman sa social media ang mga hunk actor na walang sawang magpakita ng kanilang abs.

Nagpiyesta nga ang mga babae sa mga ka-seksihan ng male star. At nangunguna riyan ang mga Kapuso star na sina Ruru Madrid, Jak Roberto, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin.

Sila ang mga lala-keng hindi puwedeng mag-model ng mga damit, dahil mas gusto nilang nakahubad sa Instagram at ipangalandakan ang kanilang toned body.

Sa Kapamilya naman ay laging nakahubad ang mga Los Bastardos star na sina Jake Cuenca, Joseph Marco, Marco Gumabao, Joshua Colet at Albie Casiño. Pasiklaban ng mga abs ang mga nabanggit sa social media.

Naku, lahat sila ay p­arang sanay na sanay mang-akit ng mga bading, ha!

Jimwell Pacquiao gustong maging world champ

Nababalot ng kasiyahan ang mag-asawang Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao dahil ang kanilang panganay na si Jimwel ay nagtapos na ng high school. Proud na ipinoste nina Jinkee at Manny sa kani-kanilang mga Instagram ang mga graduation photo ng kanilang anak, na kuha sa Brent International School sa Biñan, Laguna.

Isa ito sa pinakamalaking achievement nila. Walang detalye o impormasyon sa post kung anong kurso ang kukunin ng anak sa kolehiyo o kung sa abroad ito maga-aral.

Pangarap din kasi ni Jimwell na sundan ang ama sa pagiging b­oksingero nito, at maging isang world champ.

The post Sunshine lumaban ng paseksihan sa mga millennial star appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *