Sunshine kinamumuhian ng mga kabit

Nanggaling sila pareho sa phenomenal ­success ng afternoon prime nila dati na “Ika-6 Na Utos.” Parang hindi man direktang ­sinasabi, ­posibleng isa ito sa ­inaasam na mangyari sa Wagas na sila ang magpa-pilot.

sunshine kinamumuhian ng mga kabit - Sunshine kinamumuhian ng mga kabit
sunshine 1 - Sunshine kinamumuhian ng mga kabit

Nanggaling sila pareho sa phenomenal ­success ng afternoon prime nila dati na “Ika-6 Na Utos.” Parang hindi man direktang ­sinasabi, ­posibleng isa ito sa ­inaasam na mangyari sa Wagas na sila ang magpa-pilot.
­­
Pero ayon kay Sunshine, “You have to remember that Ika-6 was written as komiks. Pang-hapon talaga, malaki, dramatized ng todo. Pero ito, parang saktong-sakto lang.

“Mas ­reality based ang linyang binibitawan, mas totoo, mas makaka-relate ka. Puwede mong sabihin na uy, nagamit ko yung linya na yun dati, ah.”
Si Sunshine raw ang isa sa mga aktres na paborito ng mga ­Misis, at kinamumuhian ­naman ng mga kabit. Nagpasalamat ­naman si Sunshine kung ganun­ ­­nga raw.

Pero, ano nga ba ang maipapayo niya sa mga Misis pagdating sa throwback pag-ibig din ng mga ito?

“Well, sabi nga nila, the advice that you give is not the advice that you always follow. Ultimately in life, kung ano yung tingin mong tama para sa pamilya mo, para sa ‘yo at ikakasaya mo, mga anak mo at wala naman ­kayong ibang taong nasasaktan, go for it.

“If there’s a chance to reconcile, mas okay yun, na walang bitterness.

Pero yun nga, sabi ko nga, we tend to give the advice that we don’t follow,” nata­wang sabi na lang niya.

Silang mag-asawa ay complicated pa rin daw at as much as possible, ayaw na nitong magsalita pa about her family life.

“I’ve learned my lesson,” sabi na lang niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *