Sunshine deserving sa loyalty award

Ang actress na si Sunshine Dizon ay nakita, nakilala at nasubaybayan halos ng karamihan mula pa sa pagkabata nito bilang isang child actress, teen actress at ngayon nga ay hindi matatawaran ang pagkilala sa kanya bilang isa sa mahusay na aktres ng henerasyong ito.

sunshine deserving sa loyalty award - Sunshine deserving sa loyalty award
sunshine dizon 1 - Sunshine deserving sa loyalty award

Sunshine Millennium TV Queen

Ni Rose Garcia

Ang actress na si Sunshine Dizon ay nakita, nakilala at nasubaybayan halos ng karamihan mula pa sa pagkabata nito bilang isang child actress, teen actress at ngayon nga ay hindi matatawaran ang pagkilala sa kanya bilang isa sa mahusay na aktres ng henerasyong ito.

Kamakailan lang ay isa si Sunshine sa binigyan ng parangal ng PMPC Star Awards for Television bilang TV Queen of the Millennium.

Ayon kay Sunshine, “Nagpapasalamat tayo na na-recognize nila kasi ‘yung qualification ng work, it’s your full body of work.”

Kung meron ding puwedeng bigyan ng Loyalty Award ng Kapuso network, siguradong hindi mawawala sa listahan si Sunshine.

Kabilang na ang “Anna KareNina”, “T.G.I.S.” sa mga unang programa niya sa network.

“Sabi ko nga, maraming magaling na artista, pero paano nila ilalabas ‘yung galing nila kung walang ibinibigay na opportunity, ‘di ba? Kaya salamat sa GMA, lahat ng ginawa kong soap, talaga namang maganda.

“Nasa akin na lang ‘yun kung paano gagampanan, ‘di ba? Pero so far, lahat naman ng soap na ginawa ko, maganda lahat.”

Isa si Sunshine sa ehemplo ng artista kung paano ang maging isang loyal. Nag-umpisang maging VIVA artist na noon ay sa GMA pa ang mga artists hanggang sa maging network contract na nga siya.

“I’m very open-minded. When the time comes that GMA doesn’t need me anymore at kaya pa naman nating umarte at kailangan tayo ng iba, bakit hindi, ‘di ba? Pero hangga’t kaya pa ‘kong alagaan ng Siyete, siyempre, magsi-Siyete ako.”

Bilang lang sa daliri ang mga artista na nanatiling loyal, lalo na sa isang network.

Sa parte niya, masasabi ba niyang, ‘It pays to be loyal?’

“I think, it’s two way. Ako, I would think, may rason kung bakit sila lumilipat. Hindi ka naman papayagan kung kailangan ka pa nila. So, sa ganu’ng aspeto, siyempre, artista ka. Kung saan ka kailangan, doon ka.

Pumayag maging kabit

Kung sa “Ika-6 na Utos” ay ni-represent ni Sunshine ang mga legal wife, ngayon naman sa “Magkaagaw”, siya ang lumalabas na kabit.

“Well, technically, dahil sa circumstances dahil noong 90’s wala pang ‘cenomar’. So hindi niya sinadya. I’m sure, maraming hindi nila alam, marami ang makaka-relate. Hindi sinasadyang hindi nila alam na naging kabit na pala sila.”

Bilang isang aktres, wala raw kaso sa kanya kung anong karakter na gagampanan kahit off-beat pa ito.

“Ang sa akin naman, whether mapa-bida man ako or kontrabida, basta maganda ‘yung reasoning ng story kung bakit nagkaganu’n, okay sa akin ‘yun.”

Kahit ginagampanan niya ang role ng isang kabit, tahasang sumagot si Sunshine ng “never, never, never” kung nagbago ang perception niya.

“Hindi, oo, that’s true, never talaga,” pagbibigay-diin niya.

“Ibang aspeto ‘yun e, ‘yung sinasadya nila knowingly na may pamilya kang sisirain. Pero, kung katulad ng situwasyon ng character ko, si Laura, she’s not aware at that time, hindi ba dapat ay kaawaan naman natin?”

Naging “idol” o inspirasyon siya ng mga misis o legal wife. Ngayong nasa opposite side ang character niya, paano niya nakikita ang magiging pagtanggap ngayon sa kanya?

“Sana magkaroon ng awakening din ulit at sympathy naman for the other side. Pero, kasi baka naman marami rin naman diyan ang nagdya-judge na na-brand na sila ng kabit, pero hindi naman nila kasalanan.

“Maybe ma-realize din ng tao na hindi naman talaga tayo dapat humuhusga. Depende rin ‘yan sa situwasyon.”

Tim-Shine balikan posible

May apat na taon na rin nang maghiwalay sina Sunshine at ang mister niya na si Timothy Tan kunsaan may dalawa silang anak, sina Doreen at Anton.

Diretsahan nga naming tinanong si Sunshine kung hindi pa ba siya naghahanap ng bagong pag-ibig o matatawag na “someone” talaga.

“Well, you know, I’m not closing my door for that. Kung may darating naman, bakit hindi? Pero, as of now, technically, I’m still married at hindi pa ko nagpa-file ng annulment and ayoko rin naman na parang to get into that situation na hindi pa ako malaya technically.”

Nakikita niya bang papunta rin sila sa annulment?

“As of now, hindi ko pa talaga masasabi. Ang consideration pa ngayon ay malilit pa ang mga bata. It’s really more for the kids.”

Tinanong namin si Sunshine kung nakikita niyang mas nagwu-work sa kanila na hindi sila annulled para sa mga bata.

Aniya, “I can’t really say if it’s a good situation or a bad situation. But so far naman, Tim and I are very civil. We do the best for our kids.

“Kumbaga, we’re co-parenting.

“Sa isip ng mga anak ko, buo pa rin ang pamilya ko, ‘di ba?”

Isang diretsong tanong din ang ibinato namin kay Sunshine. Kung sa pagkakataong kailangan niyang mamili, magsimula ng bagong kabanata ng buhay niya o magkabalikan na lang silang muli at mabuo ang pamilya nila.

Sabi ni Sunshine, “I think ultimately, I would want na mabuo ang pamilya for my kids. Kasi siyempre, wala namang anak na gugustuhin na hindi buo ang pamilya.

“Pero sabi ko nga, Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang para sa buhay ko. Kung may darating talaga na someone new na okay naman na mamahalin ng mga anak ko, bakit hindi? If God naman will want na magkaayos kami ni Timo, tahimik na ang buhay namin, bakit hindi, asawa ko pa rin naman siya, ‘di ba?”

Gustong maging prodyuser, direktor

“Ultimately, nagpapasalamat ako sa Diyos. Kasi ako, palagay ko, lahat naman ‘yan, itinatakda ng Diyos kung saan ako dapat. Salamat din sa lahat ng tao, you cannot do it alone.

“Maraming tao ‘yan na tumutulong na magkaroon ka ng opportunity. And I think, it really takes a lot of hardwork and you really have to be conscious enough to take care of your name and your career.

“Kasi, kahit ano rin naman ang galing mo, kung hindi mo iingatan ang pangalan, isang pagkakamali mo lang, wala rin.”

Maging isang producer, director ang isa sa mga plano ni Sunshine na gawin.

“I’m also looking into studying and eventually, directing. I want to shift din sa directing.”

Kahit na marami na siyang nagampanang role, marami pa rin daw siyang pangarap na karakter.

“Dito kasi sa atin, we’re always playing safe na kung ano ang gusto ng tao. Hindi rin naman tayo nag-o-offer ng iba.

“Sana, dumating ang panahon na makasubok din tayo ng ibang kuwento, iba ring character. Palagay ko, hindi rin naman mauubusan, marami pa.”

Nakausap namin si Sunshine sa pamamagitan ng Viber call ilang oras pagkalapag nito sa Australia. Kasalukuyan itong nagsu-shooting ng indie movie niya na “Versus” kasama si Gabby Eigenmann sa naturang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *