Summa Cum Lau Bae ng Tarlac mabenta sa mga beki

Kumpleto na ang big four ng batch three ng “PBB Otso” matapos makuha nina Ashley del Mundo, Tan Rocal, Batit Espiritu, at Yen Quirante ang apat na puwesto noong Sabado (May 25).

The post Summa Cum Lau Bae ng Tarlac mabenta sa mga beki appeared first on Abante News Online.

summa cum lau bae ng tarlac mabenta sa mga beki - Summa Cum Lau Bae ng Tarlac mabenta sa mga beki
sky 1 - Summa Cum Lau Bae ng Tarlac mabenta sa mga beki

Kumpleto na ang big four ng batch three ng “PBB Otso” matapos makuha nina Ashley del Mundo, Tan Rocal, Batit Espiritu, at Yen Quirante ang apat na puwesto noong Sabado (May 25).

Nauna na ngang nakapasok sa Big Four sina Tan at Batit matapos maipanalo ang magkahiwalay na Big Jump challenges ni Kuya.

Samantala, nakuha ni Ashley ang pinakamaraming boto na 56.45% at Yen na nakamit ang 22.7% para makasama sa Big Four.

Dahil dito, natapos na ang “PBB Otso” journey nina Angela Tungol (13%) at Lance Carr (7.86%).

Hindi naman natatapos ang “PBB Otso” sa paglabas nina Ashley, Tan, Batit, at Yen noong Linggo (May 26) dahil pumasok na sa Bahay ni Kuya ang bagong set ng adult housemates na sina Sky Quizon, ang Summa Cum Lau Bae ng Tarlac (na bet ng mga beki, ha); Hasna Cabral, ang Ukay Nanay ng Cavite; Franki Russel, ang Wandering Stunner ng New Zealand; Wealand Ferrer, ang Kwelamazing Kuya ng Nueva Ecija; Argel Baisanon, ang Prodigal Probinsyano ng Negros Oriental; at Jamie Salenga, ang Responsible Rampanganay ng Quezon City.
Apat pang adult housemates ang kikilalanin ng mga K­apamilya sa susunod na mga araw matapos maunang masilayan ng manonood sina Kiara Takahashi at Gino Roque IV noong nakaraang linggo sa “Tonight with Boy Abunda.” (Dondon Sermino)

The post Summa Cum Lau Bae ng Tarlac mabenta sa mga beki appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *